Pokwang, napaiyak dahil sa kanyang ina

0
72



MANILA — Hindi napigilan ni Pokwang na maiyak dahil sa pagmamahal sa kanyang ina.

Sa panayam ng aktres sa “Magandang Buhay” nitong Martes, bumuhos ang emosyon ng komedyana nang magbahagi tungkol sa mga larawan niya kasama ang kanyang inang si Gloria na ngayon ay 77 taong gulang na at mayroong Alzheimer’s disease.

“Summer ‘yan, ang init ng panahon. Kumakaway siya sa itaas (ng bahay). Sabi ko, ‘Halika Ma, baba.’ Sabi ko bihisan niyo ng swimsuit ‘yung mala-Miss Universe tapos bumaba. Noong una ayaw niya, natatakot siya. Tapos ang higpit ng kapit niya, sabi niya, ‘Huwag mo akong bibitawan.’ Alam mo ‘yung mga anak, noong bata pa tayo, ‘yung pagalalay nila sa atin, trust them na hindi tayo bibitawan kahit anong pagdaanan sa buhay. ‘Yun ang naramdaman ko, hindi din kita bibitawan,” ani Pokwang hubang tumutulo ang mga luha.

Ayon kay Pokwang, ang kanyang ina din mismo ang nagturo sa kanya kung paano lumangoy noong sila ay naninirahan pa sa Pasig.

“Habang naglalaba ‘yan kami ay nasa gilid-gilid, tinuturuan niya kaming lumangoy. Ibinabalik lang natin. Para sa akin ang mensahe ng picture na ‘yan ay ibalik natin kung ano ang ibinigay nila para sa atin,” ani Pokwang.

Sa huli, nagpasalamat muli si Pokwang sa ginawang pagpapalaki at pagmamahal sa kanya ng inang si Gloria.

“Lahat ng mga payo mo dinala ko dito sa (puso ko) at dito (sa utak ko). Thank you sa mga payo, sa pagiging mahigpit, nakatikim ng palo at dahil doon ay may natutunan ako sa buhay,” ani Pokwang.

Ayon sa “Magandang Buhay,” ginawa ang episode noong Hunyo 8. Isang linggo matapos ang taping, kinumpirma ni Pokwang ang kanyang pagbubuntis. Inaasahang manganganak ang aktres sa Pebrero sa susunod na taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments