Pistons pinataob ang Celtics; Cavs wagi sa Sixers

0
25


PINATAOB ng no. 2 team Detroit Pistons ang Eastern Confenence top team Boston Celtics na ngayo’y natikman ang na pagtalo sa iskor na 118-108.

Tinapos ng Pistons sa 10 puntos na kalamangan ang laban matapos muling mabawi sa 4th quarter ang maganda nilang lamang noong 1st quarter.

Nanguna sa 31 points si Tobias Harris para sa Detroit, na sinuportahan ng 26 puntos ni Andre Drummond, at 20 points ni Reggie Jackson.

Sa panig naman ng Celtics, may 18 puntos si Kyrie Irving na panangunahan ng bench player na si Marcus Smart na may sa 21 points.

Gayunpaman, nananatiling hawak ng Boston ang trono sa top spot na sa kanilang 18-4 record.

Sa isa pang laro, umarangkada ang Cleveland Cavaliers sa kanilang pag-angat sa Eastern Conference nang masungkit ang 8th straight win kontra Philadelphia 76ers, 113-91.

Tinuldukan ng Cavs ang Philadelphia ng 22 puntos na kalamangan, sa pangunguna ni LeBron James na tumipa na 30 points.

Tumulong rin sa opensa sila Dwyane Wade na nagpakawala ng 15 points, at Jeff Green na may 14 puntos para mailuklok ang kanilang koponan sa 3rd spot ng East.

Sa panig ng 76ers, tinapatan man ni Joel Embiid ang 30 points ni LeBron ngunit hindi ito sumapat para makaalpa ng panalo, gayundin ang dinagdag na 12 puntos ni Timothe Luwawu-Cabarrot, at tig-11 na hakot nina T.J. McConnell at J.J. Redick.

Ito na ang ika-walong sunod na panalo ng Cleveland matapos ang mga naging tagumpay sa mga huling laban kabilang na ang makapigil hiningan sagupaan nila ng Charlotte Hornets, 100-99. BOBBY TICZON





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments