Pintor ako, ‘di exhibitionist — Jao sa kumakalat na sex video

0
39


MARIING pinabulaanan ni Jao Mapa ang kumakalat na sex video niya, “it’s not me, luma na ‘yan!” mensahe sa amin ng aktor noong i-text namin kahapon.

Binanggit namin ang komento ng mga nakapanood na si Jao mismo iyon.

“Poser lang ‘yan, years ago pa ‘yan, lumang balita na ‘yan,” diin ulit ng aktor.

Walang idea si Jao kung sino ang taong nasa likod ng pagpapakalat ng video na ito at hindi naman siya apektado dahil hindi naman siya gumawa ng mga ganitong bagay noong kabataan niya.

Sabagay, nakilala namin ang aktor noong bagets days niya at parang hindi naman siya interesado sa ganitong bagay dahil hindi siya malungkot sa buhay at higit sa lahat hindi rin siya exhibitionist.

“Painter ako, hindi exhibitionist, ha ,ha ,ha” say ng aktor.

Speaking of painter, may 13 paintings si Jao ngayon na naka-exhibit sa ABS-CBN 12th floor.

“I have a painting group exhibit sa ABS-CBN that will run ‘til December 5, exclusive lang ‘yun for ABS-CBN employees,” sabi sa amin.

Kinumusta namin kung may feedback na at kung may benta na? “Wala pa, eh.”

As of now ay waiting si Jao ng schedule ng indie film na Flames of Summer na hindi pa niya alam kung sino ang direktor at makakasama niya.

“Hindi ko pa alam, eh.  I’ll let you know kapag tinawag na ako,” saad ng aktor.

KRIS, NAGIGING TIGRE
‘PAG KINANTI ANG MGA ANAK
AT MGA KAPATID

PAGDATING sa pamilya niya ay talagang nagiging tigre si Kris Aquino sa pagtatanggol lalo na’t hindi naman ito napatutunayan pa.

May ipinost si Kris sa kanyang IG account na, “She’s a Queen with a little bit of savage.”

Ang paliwanag ng Queen of All Media sa post niya, “this is a simple, CLEAR & REAL message. In our family, I love my siblings. BUT I believe it is obvious- my Ate is my FAVORITE.

“By Ate I mean our eldest, we only have 1 Ate, everyone else is first name basis only. I could go into a super long story, but this is just an example of my life’s truth- come what may, even at my worst- she still loved me. It’s not a secret I was disowned, but when I gave birth to Kuya Josh she was my 1 sibling who was there in the hospital.

“That’s just how she is- she has loved me unconditionally. No judgment, just a reassurance that I’d never be alone because she always believed I’d manage to right my life’s wrongs- that is FAITH.

“So this is me saying- HURT HER by spreading more unfounded lies about her & her husband and you will really push me to my very worst. I mean it when I say for my Ate I will take a bullet. Or worse, make the worst nightmare of all Aquino haters come true.”

May lumabas kasing balita na umano’y sangkot ang bayaw niyang si Eldon Cruz, asawa ng ate Ballsy Aquino-Cruz niya na isang multibillion-peso road right-of-way scam na nagkakahalaga ng P8.7-B.

Ganyan talaga si Kris, kantiin na siya ng todo pero huwag lang ang pamilya niya at mga anak.

MAKIKIPAG-MEETING
SA GOOGLE,
YOUTUBE, FB, IG 

SA isa pang post ni Kris ay nabanggit niya na isa sa dahilan din kung bakit kaliwa’t kanan ang trapik sa Metro Manila ay dahil sa mga ginagawang kalye sa daan.

Aniya, “have you ever been written off? I have- on several occasions & over several decades. And truth is- it hurt like hell. But I wasn’t raised to indulge in self-pity. And I am a MOTHER, responsible for the emotional, physical, and financial well-being of 2 boys I love more than LIFE.

“So doors, roads, and avenues closed. But, ALLELUIA, God bless the internet! Because the digital age is upon us & because of this, the online skyway opened up for me; the one asset I have that works so well in this medium is AUTHENTICITY.

“Today my small team that’s young enough to fervently believe that there are still many YESes coming our way will fly to Singapore for our 2017 assessment & 2018 planning.

“And we’ll meet with Google/YouTube as well as Facebook/Instagram (the platform I’m most comfortable with- obvious, right?) REGIONAL offices for their guidance & inputs please ‘wag kayong magsawa sa PASASALAMAT ko?

“Thank you from a very grateful heart that you gave me another chance to stay connected with you & for my team to create a viable business model w/ trusted brands now partnering w/ us to give you real experiences, real engagement, and real entertainment. Thank you for continuing to choose to #LiveLifeWithKris.”

CHRISTMAS
COVER GIRL

SAMANTALA, masayang ikinuwento rin ng proud mom nina Joshua at Bimby na siya ang cover ng SM Shop Magazine na lalabas na ngayong Disyembre 10.

Base sa IG post ni Kris, “Good morning, gave the GO SIGNAL- I could post the whole picture. I’m their Christmas cover girl (issue will be out December 10) & I had a great time discussing my favorite stores in @smsupermalls (my sons & I get to go to Aura & Megamall most often), we also did a lot of videos for uploading online including my version of Kris Kringle.

“Special thanks to the Hinge Inquirer team & my KCAP team- this was a “MAGAAN” collaboration & I look forward to many more projects w/ all these stylish, innovative, & DEDICATED people. Home at last, traffic was tolerable- I am rewarding myself w/ a late dinner of Pinoy food my Ate sent over!”

 

MOIRA, PUNOMPUNO NA
ANG SCHEDULE
HANGGANG FEB 2018

HINDI nasayang ang nine years na paghihintay ni Moira de la Torre para mapansin na siya finally sa music industry.

Sa nakaraang Himig Handog 2017 ay nanalo ang Titibo-Tibo song ni Moira bilang Best Song na ginanap sa ASAP nitong Linggo.

Iniuwi nina Moira at ang kompositor ng Titibo-Tibo na si Libertine Amistoso ang premyong P1-M.

Nakilala na namin si Moira taong 2015 noong ilunsad niya ang album  under Ivory Records at mukhang hindi pa taon ng mang-await kaya wala kaming masyadong narinig na sa kanya.

Pero nitong 2017 ay kaliwa’t kanan ang naririnig naming papuri kay Moira dahil halos siya ang kumanta ng theme song ng mga seryeng The Better Half tulad ng Malaya na may 8-M plus views sa Wish 107.5 at Marco’s Them na Saglit  na 7.1-M ang subscribers at Happily Ever After na may 245k subscribers.

Si Moira rin ang kumanta ng Sundo na kasalukuyang naririnig ngayon sa The Good Son kapag sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, at Jerome Ponce na ang ipinakikita sa serye.

At siyempre, ang magandang version ni Moira ng Torete na originally sung by Moonstar 88.

Kuwento nga ng handler ni Moira na si Mac Merla, “super-busy siya (Moira) ngayon. As in wala na mapaglagyan ng inquiries sa kanya because 2 days lang ang off niya ng buong November and puno na rin halos ang December n’ya til February next year.

“Sobrang happy namin for Moira because she waited for this opportunity for nine years. She’s with Cornerstone since she was 14 years old and she’s been making music bata palang siya.

“I think nakasulat na siya more than 600 songs. Happy siya because sobrang lakas ng ‘Titibo-Tibo’ entry niya sa Himig Handog as you can see online grabe ang views and iba’t ibang parodies.

“Ang lakas ng engagements ni Moira lalo na sa millennials. Marami na rin lumalapit na big brands for her like Marie France, Uniqlo, Chocolate bar and a big Telecom network na ‘di ko pa puwede i-disclose kasi under negotiation pa.

“Regular na rin siya sa ‘ASAP’ and she will be releasing her album by January 2018. Sobrang ganda Regg ng album n’ya!

“Dami hugot songs kagaya ng very successful hit na ‘Malaya’! Consistent siya number 1 sa Billboard Ph for Malaya and recently 2 songs niya ang pumasok sa Billboard Ph. 1 ang Malaya then number 3 ang ‘Titibo-Tibo’! Amazing no! Tuloy-tuloy lang ang Cornerstone na i-build pa ang mga talent namin both for music, movies, online and TV.

“She will also have a concert February next year with Sam Milby! And despite all of her success mabait na bata si Moira! Sobra!”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments