PINOY ATHLETES NA SINA KOBE, JOHN, TYLER, KANASA-NASA SA NETIZENS!

0
47


Kinasabikan at pinagnasaan ng mga netizens, karamihan ay mga beki, ang mga nag-compete na Pinoy athletes sa 29th Southeast Asian Games (SEA Games).

Bukod kasi sa mga macho ay magagandang lalake pa ang mga Pinoy na pinadala ng ating bansa para lumalaban sa iba’t ibang sports competition ng SEA Games.

Hindi nakakapagtaka kung kunin silang endor­ser ng isang sports clothing brand or ng isang kila­lang underwear brand dahil sa pinakita nilang tikas at lakas sa SEA Games.

Una na rito ay ang Fil-Brit na si John Marvin na lumalaban sa light heavyweight boxing. Sunod ay ang 23-year old Fil-American na si Tyler Ruiz na nag-compete sa long jump.

Kanasa-nasa pa rin ang nag-represent sa ating bansa sa figure skating na si Michael Martinez. Hit na hit pa rin sa mga netizens ang mga Instagram photos niya kunsaan pinapakita niya ang kanyang mga abs.

Marami naman ang nabaliw sa kaguwapuhan ni Kobe Paras na kasama sa Philippine basketball team sa SEA Games. Sey ng ibang netizens na ito ang heartthrob ng SEA Games dahil kahit pawisan daw ito, mukhang fresh pa rin at mabango!

Pinagkaguluhan din ang teammate ni Kobe na si Christian Standhardinger na isang Fil-German. Nakilala si Christian dahil sa pagsali nito sa 2017 FIBA Asia Cup and Jones Cup.

Sa 200-meter dash com­petition naman, tu­tok ang mara­ming beki sa Fil-Am na si Trentem Beram. Taga-New York City si Beram at siya ang nakapanalo ng ika-10th gold medal para sa Pilipinas sa SEA Games.

Sa gym­nastics com­petiton naman, ang Fil-Am na si Tristan Lopez ang pinagkaguluhan. Ang 19-year old na ito ay isang Olympic high bar champion noong 2015.

At naintriga naman ang maraming netizens sa kontrobersyal na si Johnvic de Guzman na bukod sa nag­laro ay naging team captain pa ng Philippines’ men’s volleyball team. Sa pagsimula kasi ng SEA Games ay biglang may lumabas na video scandal na ang lalake na nagpapaligaya sa kanyang sarili sa video ay malaki ang hawig kay Johnvic.

May mga nagkumpirma na si Johnvic nga raw iyon, pero no comment pa ang natu­rang athlete na lumabas na rin sa pelikulang Seklusyon.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments