Pinay, nasungkit ang korona bilang Miss Belgium 2018

23


ISA na namang Pinay ang namayagpag sa isang beauty pageant sa Belgium.

Nasungkit bilang Miss Belgium 2018 ng Filipino beauty queen na si Angeline Flor Pua.

Ginanap ang coronation night sa Plopsaland Theater in De Panne sa Belgium.

Noong July 2016, naging kinatawan si Angeline ng Filipino Community of Belgium sa Miss Filipina Europe na ginanap naman sa Vienna, Austria kung saan nasungkit din niya ang korona.

Noong nakaraang taon, kinoronahan din si Angeline bilang Miss Antwerp 2017, at ito ang nagbigay sa kanya ng oportunidad na makasali sa Miss Belgium 2018.

Si Angeline, 22 years old, ay isang aspiring pilot. JOHNNY ARASGA





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments