PILIPINAS NILAMPASO ANG SINGAPORE –

0
82


Iniladlad ng Philippine women’s basketball team ang bandila ng bansa matapos ang gold medal finish nang talunin ang Singapore, 82-32.

Walang awang nilampaso ng Philippine women’s team ang Singapore, 82-32 noong Miyerkules upang sungkitin ang titulo sa women’s basketball tournament sa 9th ASEAN School Games sa Singapore. 

Ginanahang maglaro ang Filipina cagebelles habang naririnig nila ang hiyawan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nanonood sa Tampines Sports Hub Gym. 

Sinagasaan ng Pinays ang apat na nakatunggali sa nasabing meet. 

Ang 50-point winning margin ang pinakamalaking abante para sa nagkampeon, una nilang kilandag ang Malaysia, bago pinaalis sa trono ang Thailand, sunod ang  Indonesia. 

Ayon kay coach Angelina Fedillaga, nakalsuhan ng kanilang panalo ang back-to-back bridesmaid finish sa Thailand noong 2014 at 2015. 

“Ayaw na namin mag-settle sa runner-up finish. Mindset namin talaga is to win the gold. In-instill ko talaga yan sa kanila,” wika ni Fedillaga pagkatapos ng laban. 

Nagtala si Kristine Cayabyab ng team-high 21 points habang may 13 at 12 puntos sina Kent Jane Pastrana at Jeeul Rhcoel Bartolo ayon sa pagkakasunod. 

“We played with pride and teamwork. That’s why we won,” saad pa ni Fedillaga. “Sobrang happy talaga. First time namin mag-gold. The credit for our success goes to the girls for playing well,” 

Para kay Pastrana, 16, Grade 10 student sa Doña Montserrat Lopez Memorial High School, team effort ang naging susi nila sa tagumpay kahit wala silang superstar na player. 

“Nag-concentrate lang ako kung ano ang maitutulong ko sa team. Happy ako na naging part ako sa success ng team dito sa ASEAN School Games,” ani Pastrana. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments