PHL 4 GOLDS SA ASG DAY 1

0
61


Si Maurice Sacho Ilustre nang matanggap ang gold medal at mascot kamakalawa.

MEDAL TALLY
TEAMS           G  S  B
Thailand         6  4  4
Indonesia      5  6  5
Vietnam         4  3  1
Pilipinas         4  1  4
Singapore      3  4  3
Malaysia         0  4  1
Myanmar        0  0  1
Brunei            0  0  0
Cambodia       0  0  0
Laos                0  0  0

Tinaas sa apat na ginto nina swimmers Maurice Sacho Ilustre at Fil-British Bhay Maitland Newberry, at steeplechaser James Darrel Orduna ang nasakote ng bansa sa nakumpletong unang araw ng mga aksyon kamakalawa ng gabi sa 9th ASEAN Schools Games 2017 sa Singapore.

Nilangoy ng Antique 60th Palarong Pambansa 2017 secondary division MVP noong Abril at 17-year-old na si Ilustre, ang first gold niya at third gold ng mga Pinoy sa pamamayagpag sa boys 100-meter freestyle sa clockings na 52.23 seconds sa SCP Sports School.

Dinemolis ng nakaapat na sunod na taong may perpektong 7-of-7 golds sa PP at estudyante ng De La Salle Santiago Zobel School-Muntinlupa sina Mikkel Jun Jie Lee (52.44s) at Samuel Shaojun (53.07) ng kapwa host country.

Pambawi rin niya iyon ni Ilustre mula sa silver finish niya sa sa boys 400 free (4:05.44) kung saan naungusan siya ni Maulidio Athalarik ng Indonesia (4:04.64), pero nauna kay bronze winer Tawarapa Jittrapon ng Thailand (4:07.08m).

Tinrangkahan ni Newberry ang 1-3 pagtapos ng Filipina tankers sa girls 200m backstroke sa 2:20.88 segundo sa pagpalpas kay Indonesian Permatahani Azzahra (2:23.31) at kay Raven Faith Alcoseba (2:26.41).

Ginto pa sa boys 3,000m steeplechase sa Bishan Stadium si James Darrel Orduna sa time 8:56.50 laban kina Indon Rahmad Setiabudi (9:05.72) at Mine Kyaw Htun ng Myanmar (9:07.35) sa pagsunod sa unang naka-gold na si Karl Alvyn Aquino noong Sabado ng umaga sa boys long jump.

Pumangatlo naman sa boys 800m run si Edwin Giron, Jr. (1:56.06 sa pagbuntot kina Vietnamese Giang Van Dung (1:55.93) at Wempy Pelamonia ng Indonesia (1:55.93) sa 10-nation, nine-day annual sports extravaganza na tatagal hanggang Biyernes, Hul­yo 21. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments