Petisyon vs power supply agreements ng Meralco, isinampa ng ilang grupo

0
52


ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 08:55 PM | Updated as of Jun 28 2017 08:57 PM


Isinampa kanina ng iba’t ibang grupo kabilang na ang Sanlakas, ang kanilang petisyon sa Energy Regulatory Commission laban sa Meralco.      

Kaugnay ito ng mga kontrata ng kumpanya para sa power supply agreement.

Kinukwestyon ng grupo ang umano’y hindi naging transparent na pagpili ng meralco, sa mga kumpanya na siyang lilikha ng kuryente, na siya namang ibebenta sa mga kumukunsumo. 

“Dapat malinaw ito para sa kapakaan ng mga customers ang meralco ang pinakamalaking nagsusuply ng kuryente,” sabi ni Aaeron Pedrosa, Secretary General ng Sanlakas. 

Kasabay ng pagsampa ng petisyon, nagdaos din ng rally ang grupo sa harap ng tanggapan ng ERC. 

Pitong coal companies ang kinontrata ng Meralco, karamihan sa mga nasabing kumpanya ay subsidiary ng Meralco, na kinukuwestiyon din sa mababang kapulungan ni bayan muna representative carlos zarate.

“Nakakabahala ito dahil sa tingin namin may problema itong pitong psa nma ito na hindi dumaan sa competitive selection peocess or biddingdahil for 21 years matatali ang ating Meralco,” ayon kay Cong. Carlos Zarate ng Bayan Muna. 

Hindi lang daw ang kapakanan ng mga kumukunsumo sa kuryente ang pinagmamalasakitan ng mga nagpetisyon, 

Nakasalalay din daw kasi rito ang commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa Paris Agreement sa usapin ng climate change. 

“Dapat committed tayo sa less carbon emission pero eto tayo coal pa rin ang ituintulak eh marami namang non renewable source of power,” ayon kay Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology and Development.
 
Ayon naman sa tagapagsalita ng Meralco, ang mga agreement na kinukuwestiyon ng grupo ay noong isang taon pa nai-file. 

Sumunod umano ito sa lahat ng requirements. 

Nanatili rin umano ang Meralco sa pagtataguyod ng tuloy tuloy na suplay ng kuryente ng hindi napipinsala ang kalikasan. 

Pero anuman ang paliwanag ng Meralco, para sa mga nagpetisyon patuloy nilang haharangin ang mga pinasok nitong power supply agreement. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments