PDU30 HINARAP ANG PAMILYA NI KIAN

0
45


Nagkita at nagkausap din kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga magulang ng Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos na napatay sa anti-illegal drugs operation ng Caloocan City Police.

Walang media na pinayagan sa kanilang pagkikita subalit ayon sa impormasyon mula sa Palasyo, naganap ito sa Malago Clubhouse ng Malacañang base na rin sa kahilingan nina Saldy at Lorenzana Delos Santos.

Kasama sa pulong sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman Dante Jimenez.

Sa panayam ng media kay Aguirre matapos ang ginanap na pulong, binanggit nito na tumagal ng halos dalawang oras ang pag-uusap nina Pangulong Duterte at ng mga magulang ni Kian.

“Okay naman. The meeting run smoothly. Na-address immediate pangangailangan ng pa­rents (ni Kian) tulad ng security nila,” ayon kay Aguirre.

Humingi rin umano ng tulong sa Pangulo ang mga magulang ni Kian. Partikular na hinirit umano ng mga ito ang ligtas na matitirahan at magkaroon ng puhunan para makapagnegosyo.

Sinabi umano ng ina ni Kian, ayon kay Aguirre, na P18,000 ang buwanang suweldo nito sa pagtatrabaho sa ibang bansa at kung maaari ay mabigyan sila ng mapagkakakitaan dahil ayaw na niyang magtrabaho pa sa labas ng bansa.

Ipinahayag din ni Aguirre na walang galit ang mag-asawang Delos Santos kay Pangulong Duterte kahit hindi man ito nakarating sa burol ni Kian.

“Wala silang galit sa Pangulo kasi nag-explain ang Pangulo kung bakit hindi s’ya nakapunta sa burol,” ayon kay Aguirre.

Nitong Sabado inili­bing si Kian sa La Loma Cemetery sa Caloocan City.

Ipinaliwanag umano ng Pangulo ang dahilan kung bakit hindi ito nakapunta sa burol dahil hinihintay niya ang resulta ng isinasagawang im­bestigasyon ng National Bureau of Investigation sa kaso ni Kian.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga magulang ni Kian na walang makikialam sa kaso nito, mananaig ang ‘due process’ magiging patas ang pag­hawak sa kaso ng kanilang anak.

PAO NAGLINAW

Nagpahayag kahapon ang mga estudyanteng kumukuha ng abogasya ng kanilang pagtutol na hawakan ng Department of Justice ang kaso ni Kian Loyd Delos Santos. Ipinahayag ito ng mga estudyante sa isang forum na ginanap sa Ermita, Maynila upang hindi umano mabalewala ang kaso laban sa mga pulis na pumatay sa Grade 11 student. (Mike Taboy)
Nagpahayag kahapon ang mga estudyanteng kumukuha ng abogasya ng kanilang pagtutol na hawakan ng Department of Justice ang kaso ni Kian Loyd Delos Santos. Ipinahayag ito ng mga estudyante sa isang forum na ginanap sa Ermita, Maynila upang hindi umano mabalewala ang kaso laban sa mga pulis na pumatay sa Grade 11 student. (Mike Taboy)

Nilinaw naman kahapon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta ang nauna niyang paha­yag na puwedeng maging state witness ang mga pulis-Caloocan sa pagkapatay kay Kian.

Ayon kay Acosta, tanging ang mga pulis lamang na hindi nagpa­putok ng baril sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa lugar ng 17-anyos na binatilyo, ang pwede nilang kunin na testigo.

Nilinaw din ni Acosta kung bakit hindi na nila naisama bilang mga testigo nang magsampa ng kaso sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian, ang tatlong katao na kinabibilangan ng dalawang menor de edad na nasa kustodya ng Senate Sergeant-at-Arms.

Sinabi ni Acosta na kailangan kasi nilang isampa agad ang kaso kaya hindi na naisama ang tatlong testigo na hawak ng Senado.

Gayunman, kampante si Acosta na mala­kas ang kaso laban sa mga pulis na nakapatay kay Kian subalit pwede pa rin umano nilang kunin ang testimonya ng tatlong testigo na nasa Senado.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments