PBA: TNT ISANG HAKBANG SA SEMIS

0
55


Lumapit ang TNT KaTropa sa semifinals spot matapos nilang pindutin ang 102-84 panalo kontra Meralco Bolts kahapon sa Game 1 best-of-three ng PBA Commissioner’s Cup quarterfinal sa Araneta Coliseum.

Pinamunuan ni Jayson Castro ang opensa ng KaTropa matapos ilista ang 25 points, pitong assists at anim na rebounds habang bumakas si import Joshua Smith ng 19 markers.

Umalagwa agad ang Ka Tropa sa simula, 21-6 mula sa kabayanihan ni Castro na may siyam na puntos sa first canto.

Nakipagpalitan ng puntos ang TNT sa se­cond quarter upang hawakan ang 15-point lead, 42-27 sa halftime.

Kumikig ang Bolts sa third period, humarurot ng 12-2 run para ibaba sa dalawang puntos ang hinahabol, 51-53.

Subalit hanggang doon na lang ang ipinakitang lakas ng Meralco, bago natapos ang third canto ay naibalik ng Ka Tropa ang kanilang bentahe sa 10 puntos, 59-69. 

Nagtala si Chris Newsome ng 21 puntos para sa Bolts na nakakuha lang ng siyam na puntos mula sa kanilang reinforcement na si Alex Stepheson.

Pagkakataon ng Ka Tropa na tapusin ang serye sa Game 2 bukas su­balit inaasahan ni TNT coach Nash Racela na paghahandaan sila ng Meralco.

“We’re expecting them to make adjustments,” wika ni Racela.

Kung muling mana­nalo ang TNT, swak na sa semis kung saan makakasagupa nito ang winner sa pagitan ng Brgy. Ginebra at GlobalPort.

Ang iskor:
TNT 102 – Castro 25, Smith 19, Tautuaa 13, Rosario 9, Garcia 9, Reyes 6, Semerad 5, Pogoy 4, Nuyles 2, De Ocampo 0, Rosales 0, Golla 0, Carey 0

MERALCO 84 – Newsome 21, Amer 14, Dillinger 12, Hugnatan 11, Yeo 10, Stepheson 9, Caram 3, Hodge 2, Uyloan 2, Faundo 0, Nabong 0, Bono 0
Quarterscores: 25-13, 42-27, 69-59, 102-84. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments