PBA: MONSTER KRAKEN –

0
26


Hindi napigilan ni Geron Johnson ng Kia Picanto si June Mar Fajardo ng San Miguel sa aksiyong ito sa PBA Governors’ Cup kahapon sa MOA arena sa Pasay. Panalo ang SMB 118-112. (PBA image)

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. — Blackwater vs. GlobalPort
6:45 p.m. — Star vs. TNT KaTropa

Nagpader si June Mar Fajardo ng career-second best 41 points na may palawit na 17 rebounds, 3 assists, 1 steal at block upang ibangon ang San Miguel Beer sa third quarter 11 points down tungo sa paglasing sa KIA, 118-112, kahapon sa Mall of Asia Arena.

Aminado si Leo Austria na masakit sa mata ang performances ng San Miguel na dapat nilang maitama agad bago pa matapos ang PBA Go­vernors’ Cup na parolyo na ang eliminations.

“It’s an ugly game for us. Everybody’s expec­ting us to do well,” ha­yag ng Beermen coach. “I think it’s a wake-up call for us. We can’t any team for granted because every team wants to beat us.”

Sinamahan ng serbesa sa fourth ang TNT KaTro­pa sa 6-3 win-loss slates bukod pa sa luminaw pa ang paghahabol sa top finish tapos ng 11 games elims na may twice-to-beat bonus sa quarterfinals, at pinagsikip pa ang dibdib ng Picanto na huma­ba sa 10 ang sunud-sunod ang balentuwang.

Three-pointer ni Mark Yee ang nagpalayo sa Kia ng 11 sa 6:01 sa third, 67-56, sa yugtong tumiklop na nakamanibela pa rin ang Picanto, 78-84.

Pero ang 40-28 blast sa last 12 minutes ang naging pamatay ng SMB, na rito’y nakapag-amok ng 20 points ang reigning three-time MVP na si The Kraken (Fajardo) kasabwatan ang tigwalong puntos na sina Chris Ross at Arwind Santos at may apat na si Alex Cabagnot.

Nakatapos ng 16 pts. at 14 rebs. si Terrence Waymond Watson sa pa­g-agapay kay Fajardo, may 16-puntos si Marcio Lassiter, tig-15 sina Santos at Ross, at naka-11 si Cabagnot.

Kapos lang ng two feeds si Geron Johnson na may 42-10-8 pts.-rebs.-asts. para sana sa triple-double feat para sa panig ng Picanto. Naka-15 pts. si Jackson Corpuz at 14 si Philip Paniamogan.

Ang iskor:
First game

SMB 118 — Fajardo 41, Watson 16, Lassiter 16, Santos 15, Ross 15, Cabagnot 11, Tubid 2, Espinas 2, Heruela 0, Pessumal 0, Rosser 0.

KIA 112 — Johnson 42, Yee 18, Corpuz 15, Paniamogan 14, Celda 9, Elorde 7, Salva 3, Camson 2, Ballesteros 2, Jaime 0, Deutchman 0.

Quarters: 25-25, 45-50, 78-84, 118-112. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments