PBA: HOTSHOTS SABLAY SA PAINTERS

0
60


BACK STEAL — Hinablot ni Jio Jalalon ng Star ang bola mula sa likuran ni Raymond Almazan ng Rain or Shine sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum. (Jay Jalbuna)

Mga laro sa Miyerkules:
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. — Blackwater vs TNT
7:00 p.m. — Phoenix vs Bgy. Ginebra

Pinigil ng Rain or Shine ang pamamayagpag ng Star matapos ilista ang 92-88 panalo kagabi sa 2017 PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Tumipa sina import  J’Nathan Bullock at Jericho Cruz ng tig-18 points upang siluhin ng Elasto Painters ang three-game winning streak at ilista ang 4-2 karta.

Nadungisan ang malinis na karta ng Hotshots matapos ang apat na sunod na panalo.

“Finally we were able to beat Star this season. Akala ko hindi na kami mananalo dyan sa Star,” masayang sabi ni head coach Caloy Garcia. “It’s all defense, it started in the first half. The energy was there, the effort was there,” 

Kumalas ang Rain or Shine sa 15-All sa first canto, umarangkada sa second quarter upang paypayan ang 41-30 abante sa halftime.

Ginanahan ang E-Painters sa third kung saan hinawakan nila ang 20-point lead, 52-32.

Hindi naman basta bumigay ang Hotshots, gumapang para tapyasin ang hinahabol sa tatlong puntos, 72-75 pero determinado ang RoS muli nilang inilayo ang iskor, 77-88 may 1:29 minuto na lang sa payoff period.

Kumana si Gabe Norwood 15 puntos, 11 rebounds at apat na assists para sa rain or Shine habang nag-ambag si Raymond Almazan 13 mar­kers at 14 boards.

Nirehistro ni reinforcement Malcolm Hill ang 26 markers at 20 rebounds para sa Star, bumakas naman si Paul Lee ng 17 points.

Mga iskor:

RAIN OR SHINE 92 – Bullock 18, Cruz 18, Norwood 15, Almazan 13, Ahanmisi 10, Matias 5, Borboran 5, Daquioag 5, Tiu 3, Ponferada 0, Yap 0, Maiquez 0, Trollano 0.

STAR 88 – Hill 26, Lee 17, Sangalang 11, Maliksi 10, Jalalon 8, Barroca 4, Ramos 4, Simon 3, Melton 3, Reavis 2, Brondial 0, Pingris 0, Dela Rosa 0.

Quarterscores: 15-15, 41-30, 68-56, 92-88.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments