PBA: BUENA-MANO ANG KATROPA –

0
69


David vs. Goliath — Nagulantang ang bulinggit na si LA Tenorio sa higanteng si Joshua Smith sa Ginebra-TNT KaTropa PBA Commissioner’s Cup best-of-5 semis game one kagabi sa Mall of Asia Arena. (Patrick Adalin)

Laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
7:00 p.m. – SMB vs. Star

Nagsanib sina ­Joshua Smith, rookie ­Roger Pogoy at Ranidel de Ocampo ng 64 points upang kargahin ang TNT KaTropa sa pagdismantel sa Ginebra, 100-94, at sunggaban ang 1-0 lead sa kanilang PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals showdown sa Mall of Asia Arena.

May 35 points at 13 rebounds at 4 assists ang 25-year-old, 6-foot-100, 300 lb import off-the-bench, naka-17 si Pogoy bilang tanging starter na umabot sa twin digit scoring at naka-13 si De Ocampo para sa back-to-back win nila tapos hakbangan ang Meralco sa knockout quarterfinals game noong Biyernes.

Dominado ng Texters ang game, tampok ang third quarter 15-point edge kaloob ng jumpshot ni Pogoy, 64-49, 6:34 sa gamoclock. Nakadikit na lang sa dalawa ang Gin Kings sa 2:46 ng final frame, 90-92, bago nakontrol na ulit ng kalaban ang laro hanggang dulo.

Game two bukas ng alas-siete ng gabi sa parehas na venue.

Pursigido naman ang Star na itarak ang 2-0 lead habang ipipilit ng San Miguel Beer ang 1-all deadlock sa pagpapatuloy ngayon ng sari­ling race-to-three win duel nila sa MOA pa rin.

Nakabuena-mano ang Star kamakalawa sa game one, nakabentahe ng 15 points bago manga­lahati ng fourth quarter saka pinagpag ang mala­gablab na rally ng SMB tungo sa 109-105 win at 1-0 advantage.

Nagbanta pa ang San Miguel sa 104-105 sa nalalabing 41 seconds tapos ng pang-apat na 3-point shot ni Marcio Lassiter bago umeksena ang pumatay sa sunog na si Aldrech Ramos na natirada ng triple sa last 15 ticks.

“We cannot afford to have a zero-two (deficit) in a best-of-five dahil nagiging slim na yung chance mo, although zero-three nga, nakakabalik ka. What more sa zero-one?” giit ni back-to-back-to-back Philippine Cup champion coach Leo Austria.

“We might have a good game plan next game dahil alam ­naman natin na very ­determined ‘yung team ngayon, and this is their eighth straight win,” hirit pa niya sa karibal na may 6-0 na kay Ricardo Ratliffe.

Nanalasa ang Best Import frontrunner ng 26 points at 21 rebounds sa pagkarga sa Hotshots, habang nakaagapay si Allein Maliksi ng 26 pts., may 12 si Ian Sangalang at naka-11 si Ramos.

Epektibo rin sina Sangalang at Ramos pati si Rafi Reavis sa depensa kina SMB tiwn tower Charles Rhodes at June Mar Fajardo na mayroong 34 pts. at 10 rebs. at 24 markers, ayon sa pagkakasunod. Nasaktan ang SMB import sa isang defensive play na sawatain si Ratliffe. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments