PBA: Beermen pinakaba ng Blackwater

0
63


Nabulaga ni Blackwater import Stephen Smith (4) sa ilalim, nag-issue ng behind-the-back pass si Marcio Lassiter ng San Miguel Beer sa kakampi. Tinalo ng Beermen ang Elite 124-113. (Jhay Jalbuna)

Mabagal ang first two quarters ng San Miguel Beer, pero nagising sa final 24 mi­nutes para butatain ang Blackwater 124-113 sa Cuneta Astrodome kagabi.

Resulta ay napaypayan ang tsansa ng Beermen sa top two finish ng PBA Commissioner’s Cup.

Tumapos si Charles Rhodes ng 32 points at nine rebounds, may 28 at seven si June Mar Fajardo kahit limitado pa ang minuto sa SMB.

Maganda rin ang ayuda nina Marcio Lassiter, Chris Ross, Arwind Santos at Gabby Espinas tungo sa 8-2 card ng Beermen, sinapawan pansamantala sa second-running spot ang Star sa likod ng Ginebra (8-2).

Pero posibleng umangat sa 9-2 ang Hotshots kapag tinalo ang Alaska sa pangalawang laro.

Kailangang talunin ng SMB ang GlobalPort bukas para makasiguro sa No. 2 at twice-to-beat sa eight-team quarterfinals.

Nagmuntikan pang masilat ang Beermen nang mapostehan ng 16-point lead ng Blackwater sa halftime.

“I think that game is the scariest we’ve experienced this season,” bulalas ni SMB coach Leo Austria. “Everybody from our opponent is very confident and up to the task, but our players refused to lose.”

Gustong iparamdam ni Austria sa players niyang hindi dapat magkumpiyansa lalo sa next round.

“Even if we get into the top two, still we cannot relax because those teams at the bottom have the materials to beat anybody,” dagdag ni Austria, hindi nalilimutan na sa umpisa ng midseason conference ay target silang ibagsak ng bawat team.

Tinapos ng Elite ang kampanya sa 2-9.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments