PBA: BEER NANIGURO SA QUARTERS

0
93


HULI KA BALBON! — Kabit na kabit kay Chris Ross (6) ng San Miguel Beer ang bola ni Carlo Lastimosa (9) ng NLEX. Sinagasaan ng Beermen ang Road Warriors 114-108 para maniguro sa quarters ng ­Commissioner’s Cup. (Jhay Jalbuna)

Laro ngayon (Legazpi City)
5:00 p.m. — Alaska vs. TNT KaTropa

Sumalang sa seventh straight game niya sa eight ­consecutive days si June Mar Fajardo mula sa tour of duty sa Gilas Pilipinas sa natapos noong Huwebes na SEABA Men’s Championship.

Pero hindi tumukod ang reigning three-time PBA MVP na agad nakapag-contribute ng 12 points, 4 rebounds, 2 ­assists at 2 blockshots sa nagpagpag-kalawang na San Miguel Beer para gulungan ang bagong bihis na NLEX 114-108 sa Cuneta Astrodome.

Selyado na ng Beermen ang isang puwesto sa PBA ­Commissioner’s Cup quarterfinals.

Suporta lang ang performance ng 6-foot-9 at 27-year-old Cebuano sa pagbabalik San Miguel na balik-mag-isa sa ­tuktok sa 6-1 record. Wala siya ng isang game na kinatalo nila sa TNT KaTropa (112-102) noong May 5.

Unang-unang nabunutan ng tinik si Leo Austria lalo’t mula sila sa 2-week break.

“I was really worried of this game because of a long layoff. They caught us really flat. In the first quarter, nakita mo sluggish kami,” anang winning coach.

“We knew we couldn’t take them lightly because they have nothing to lose and everything to gain. Good thing we were able to recover and dictate the tempo of the game,” dagdag ni Austria.

Kinarga ng kasama sa starting unit nina Fajardo at ­Marcio Lassiter na sina Charles Rhodes, Chris Ross at Alex Cabagnot ang SMB sa mga double-double. May 37 points at 19 rebounds ang import, may 15 markers at 11 feeds si Ross at may 12 at 10 si Cabagnot. Naka-12 si Lassiter at may 10 pa si Arwind Santos off -the-bench.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments