PAYONG KAPATID: Huwag! –

0
57


Dear Kuya Rom,

Mahal ko siya. Mahal niya ako. Nang magsimula kami, ako ay 18, siya 17. Ang unang taon ng aming relationship ay exciting. Para kaming magkaibigan lamang na gustong magkakilala ng lubusan.

Lagi kaming magkasama sa lakaran ng barkada at pamilya namin. Nag-enjoy talaga kami sa mga outing namin, lalo na sa Boracay at Palawan.

Kalaunan, nawala ang excitement. Ang dahilan, sinabi ko sa kanya na gusto ko sanang ma-experience ang sex. Paniwala ko, importante ito, para kami lalong maging close sa isa’t isa.

Pero, sabi niya, huwag! Iniba niya ang usapan. Ito ay parang rejection sa akin. Para akong masamang tao na dapat iwasan. Disappointed ako.

Dahil dito, parang tumabang ang tamis ng aming pagmamahalan. Hindi na kami madalas magkita. Lumalabas lang kami twice a month. Pero kahit ganito, tumagal kami.

Four years na ang relationship namin.

Pakiramdam ko, kami ay faithful sa isa’t isa at nagmamahalan pa rin. Pero may doubts na ako sa feelings namin. Hindi lang pinag-uusapan ito. Naiisip ko, hindi kaya pagmamahal na lang ito sa isang kaibigan? Mahal ko siya, pero pakakasalan ko ba ang babaeng nag-reject sa akin?

— Henry

Dear Henry,

Nagkakilala kayo ng lubusan. Hindi kailanman kayo naghiwalay. Sa kabila nang pagtabang ng pagmamahalan, tumagal kayo. Apat na taon na ang relasyon ninyo.

Ibig sabihin, may nakikita kayong mga ma­buting bagay sa pagkatao ng isa’t isa na pinahaha­lagahan ninyo. Partikular sa iyo, hindi lamang sex ang gusto mo, kung ‘di may iba pang magandang bahagi ng pagkatao ng girlfriend mo ang mahalaga sa iyo.

Ang pagsabi niya ng “huwag” ay hindi “rejection” sa iyo dahil ikaw ay masamang tao, kung ‘di pakiusap niya sa iyo na mag-ingat upang hindi kayo magkasala ng pakikiapid sa paningin ng Diyos, pag-iingat upang hindi siya mabuntis o magkaanak sapagkat hindi pa kayo lubos na handang harapin ang mga responsibilidad sa pagtatatag at pagtataguyod ng isang pamilya.

Ang sinasabi mong “kulang sa tamis” ay posibleng tumutukoy sa sex na gusto mong maranasan sa piling niya. Kaya wala kayong problema. Ang kailangan lamang ay magpakasal kayo upang ganap ninyong malasap ang tamis ng pag-ibig.

Mainam na mag-usap kayo ng masinsinan. Pag-usapan at paghandaan ninyo ang inyong kasal. Maging praktikal kayo at iwasan ang magarbo at magastos na kasalan. Gawin ninyong simple lamang ito upang magkaroon kayo ng sapat na pera sa bangko bilang pani­mulang paghahanda sa pangangailangan ng inyong sariling pamilya.

Manalangin kayo sa Diyos na nawa’y pagtibayin Niya ang inyong pag-iibigan, upang ang apat na taong relasyon ninyo ay magpatuloy habang buhay. May God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments