PAYONG KAPATID: Hindi ko matanggihan

0
23


Dear Kuya Rom,

Sabi ng mga kaibigan ko, ako ay attractive, sexy, independent. Pero bakit sa age 37, hindi pa ako nakakahanap ng true love?Para mawala ang lungkot, pinagbuti ko ang aking trabaho.

Dito ko nakilala ang isang lala­king naging malapit sa akin. Siya ay masayang kausap at masarap kasama, magaling sa negosyo, at maalalahanin. Parang kami ay mag-asawa kapag nagsasama tuwing weekend. Namamasyal kami sa mga lugar kung saan sarili namin ang mundo.

Hindi ko matanggihan ang sex kapag siya ang nasa tabi ko. Naging deeply in love ako sa kanya.Umabot sa 8 years ang relationship ko sa kanya.  Pero kahit minsan, hindi siya nagsabi ng “I love you” sa akin. Iniwasan niyang pag-usapan ang tungkol sa amin.

Siya raw ay nasaktan noon, at ayaw na niyang masaktan ulit.Sa una, nagpapasensiya ako sa kanya, inunawa ko siya. Sa kalaunan, hindi ko matanggap na ako lang ang nagmamahal sa kanya at hindi niya ako mahal. Gusto ko ring mahalin ako ng taong mahal ko.

Iyon ang alam kong true love, dalawang taong nagmamahalan. Pero hindi ko ito nagtagpuan sa kanya, kaya ako lumayo at iniwasan siya.  Talagang I did my best na kalimutan siya. Pagkaraan ng isang buwan, nakakilala ako ng isang lalaking very attractive sa akin.

Pero naghinay-hinay ako. Sabi kasi ng barkada ko, ang lalaking ito ay maraming personal issues. Kaya naging friends lang kami.  Tapos, bigla siyang nagbago. Naging mabait at malapit siya sa akin. Ang sabi, gusto niyang maging boyfriend ko siya. Kinilig ako.

Attracted ako sa kanya at hindi ko napigilan ang aking sarili. Nauwi sa sex kaming dalawa.

Pagkatapos ng isang buwan, nanlamig siya sa akin. Sabi niya, gusto niyang mapag-isa, kaya lalayo siya, at wala nang ibang paliwanag. Hindi na siya nakipagkita sa akin. Naiwan akong parang tanga. Mag-isa na naman.Ang sabi ng ate ko, I need to grow up.

May problem ba ako sa aking sarili? Paano ito, tumatanda na ako? — VickyDear

Vicky,

Ang dalawang lalaking nakarelasyon mo ay may kanya-­kanyang problema sa kanilang sarili. Sana, maagang iniwasan mo sila. Nagpatangay ka sa physical attraction at init ng ­katawan, kaya hindi mo sila natanggihan.

Mainam na suriin mo ang iyong pagkatao at ang mga bagay na pinahahalagahan mo.

Tanungin mo ang iyong sarili — pag-ibig ba o sex ang mahalaga sa iyo? Mukhang napagkakamalan mong ang pag-ibig ay sex.Mabuting maunawaan mong ang sex ay nararapat na ginagawa lamang ng mag-asawang kasal at may tunay na pag-ibig sa isa’t isa.

Matuto kang kapag inuuna ang sex sa relasyon, nawawalang halaga ang pag-ibig, at kapag sa pakikipagrelasyon ay walang pag-ibig, nauuwi lamang ito sa pusong sugatan, sama ng loob, at paghihiwalay.May sarili kang issues sa buhay na nagiging ugat ng iyong kabiguan sa paghahanap ng tunay na pag-ibig.

Kung hindi mo mababago ang mga ito, at ikaw ay makipagrelasyong muli, ipagtapat mo agad ito. Magtapatan kayong dalawa. Suriin ang mga sarili kung talagang matatagalan ninyo ang mga issue na ito sa buhay. Kung hindi, sa simula pa lamang, maghiwalay na kayo ng landas.Ang tunay na pag-ibig ay hindi minamadali nang dahil sa edad lamang.

Kailangan ng malalim na pagsusuri sa sarili. Hingin mo ang gabay ng Diyos upang hindi ka magkamali sa mga hakbang na gagawin mo upang matagpuan mo ang tunay na pag-ibig.

God bless you!

Payong kapatid,

Kuya Rom



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments