Parang nag-aaway kung mag-asaran! – Remate

0
70


MATAPOS ang naging laban ni Daniel Matsunaga bilang I-Candidate sa I Can Do That, muli na namang lalaban si Daniel para maging representative ng Pilipinas sa isang sports tournament sa Brazil.

Kwento ni Daniel, nakatakda siyang bumalik sa Brazil para sa nasabing sports tournament na tatagal ng higit sa isang buwan.

“‘Di ba nanalo ako sa tournament ng football so I’m going to represent the Philippines sa street football,” bungad ni Daniel.

Masaya si Daniel dahil magandang pagkakataon na rin daw ito upang makasama niya ang pamilya na apat na taon ding hindi niya nakakasama nang matagal.

“Sobrang saya ko. It’s been so long na hindi ko nakita ang pamilya ko roon. Siyempre they missed me and I miss them a lot. For me family is everything.”

Kasunod din nito ang concert tour niya sa Europe kung saan makakasama niya si Arci Muñoz na nali-link sa kanya ngayon. Pero para kay Daniel, walang malisya ang kanilang closeness.

“I hope that God will give me the right one I’ve been waiting for. But right now focus muna ako sa work and kung may isang babae in the future, God knows best,” ani Daniel.

Sa ngayon, haharapin muna ni Daniel ang pagmo-move on mula sa nakaraang break-up with Erich Gonzales kaya subsob sa trabaho ang Brapanese model-actor.

—@@@—

Natatawa na lamang si Anne Curtis sa isyung may samaan daw sila ng kanyang “It’s Showtime” co-host na si Vice Ganda? Nagsimula raw ito sa basaan ng sapatos na aksidenteng natapunan ng juice ang shoes ni Vice sa kanyang dressing room. May nakarinig daw ng sigawan sa loob ng dressing room between Anne at Vice during commercial break ng nasabing programa?

Sa isang panayam kay Anne, natatawa na lang ito kung sinuman ang nagpakalat ng maling tsismis sa kanyang co-host.

“Alam naman ng lahat kung paano kami magbiruan ni Vice,” maikli niyang pahiwatig.

Kitang-kita naman sa screen kung paano mag-asaran sina Anne at Vice sa tuwing sila’y sumasalang sa Tawag ng Tanghalan interbyuhan portion.

Sey ng isang alalay ni Anne, “Hindi pikon si Anne. Hindi ba, kung asarin siya ni Vice, ‘yung laki ng bibig ni Anne ginagawang katatawanan, doon pa lang sana sinabihan na niya si Vice na, tama na. Pero hindi, dahil doon mo makikita kung gaano sila ka-close, pwedeng mag-asaran ang isa’t isa,” sey sa amin ng ka-close ni Anne.

Aniya pa, solid na solid ang samahan ng mga It’s Showtime hosts, para na silang magkakapamilya.

—@@@—

Nananahimik na ang mga bashers ni Angel Locsin sa social media na nambatikos sa ginawang pagdalaw ng aktres sa mga evacuees na nabiktima ng giyera sa Marawi City.

Matatandaang kamakailan lang ay sikretong sumama si Angel sa relief operation ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa Mindanao para mag-abot ng tulong. Mapapansing wala namang bitbit na TV crew ang aktres para idokumento ang nasabing okasyon.

Sa Facebook account ng dating BF na si Neil Arce, kanyang sinagot ang pinost ng isang basher na nagsabing, “When you do charity, do it quietly.”

Ngayon ay tahimik na ang FB account ni Neil. Pero may mangilan-ngilang post siyang isini-share mula sa netizens na nagbibigay-pugay sa ginawa ni Angel.

Tulad na lang ng letter para kay Angel ng netizen na si Bella Jane from Mindanao na aminadong hindi kailanman naging fan ng aktres.

Ito ang isang bahagi ng sulat:

“Angel Locsin, I don’t know if you’ll get to read this or not. But, I need to write this. Not to put you more in the spotlight but to shed light to what you made me realize.

“Let me start this by saying that I was never your fan. I knew of how great your acting prowess were with top rated series to beat. I’ve heard of your philanthropic deeds—from Ondoy, to Yolanda and even to your Mindanao visits. The ones you did in silence. You were there visiting areas in Mindanao for the sole reason that you wanted to get rid of your own biases and hear stories of Mindanaons yourself. This happened even before this Marawi crisis took place. You did all of these in the absence of any title given to you. You were not a part of the UN food program or a UNICEF ambassador. Surely, this is not just a promo ad or of you gaining the spotlight. And yet, despite knowing everything, it wasn’t enough for me to notice how great you are as a person nor as an actress of influence.

“You redefined everything. And be that as it may, let me say this to you, a compliment or gratitude of some sort: ‘Ang tunay na maganda at sexy ay nasa Marawi.’

“To this day onwards, you got an admirer in me.

“Hanggang sa muli mong paglipad.”

Hindi na sumagot si Angel sa positibong pananaw ng nasabing fan. Marahil, napag-isip-isip ng aktres ang kasabihang, “less talk, less mistakes, no talk, no mistake.” ADORE-ABLE!/ADOR SALUTA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments