PANOORIN: Sagot ni Julia kung alukin ni Joshua ng kasal

92



Hindi maitatanggi ang umaapaw na ka-sweet-an nina Julia Barretto at Joshua Garcia lalo’t madalas silang makitang magkasama, napakalapit, at magkahawak-kamay sa social media at sa mga event. 

Ngunit sa paningin ni Julia, saan kaya aabot ang kanilang pagsasama?

Sa programang “Tonight With Boy Abunda”, habang nakaharap si Barretto sa salamin, tanong sa kanya ng host na si Boy Abunda, “Last night of the world, and sabi ni Joshua, ‘Julia, yes or no? Will you marry me?'”

Abot-tainga naman ang ngiti at abot-langit ang kilig ni Barretto na sumagot ng “yes”.

Nauna nang sinabi ni aktres na mayroon nang ‘exclusive rights’ si Garcia upang ligawan siya. 

“If you feel something for the person already, siyempre you give the person also the exclusive rights.”

Dagdag pa niya, panahon na lamang ang makapagsasabi ng mangyayari sa kanilang dalawa, dahil wala na rin namang kailangang patunayan si Garcia sa dalaga.

“Sa totoo lang, Tito Boy, if I’m being very honest, wala na namang kailangan pang gawin. I think it’s just a matter of time.”

“It would just happen, but he doesn’t really have to prove anything anymore. He really has a kind heart.”

Lahat aniya ng nadarama nila at ipinakikita rin sa publiko ay walang bahid ng pagpapakitang tao. 

“Everything is real. If the feelings are honest and genuine, it will come out naturally. Siguro yun yung nagkre-create ng chemistry,” aniya.

Kuwento ni Barretto, mahirap magkunwari sa ganitong nadarama, kaya hindi rin malayo ang naging pag-arte nila sa pelikula nilang “Love you to the Stars and Back”.

“It’s hard to fake. It’s hard to pretend. Yon ‘yong hindi ko kayang gawin.”

Ipalalabas na sa Agosto 30 ang kanilang pelikulang “Love you to the Stars and Back”.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments