PANOORIN: Lassiter, nag-ala Steph Curry sa kanyang game-winning 3-pointer

0
48



Hindi araw-araw na nabibigyan ng pagkakataon si Marcio Lassiter na maka-iskor ng game-winning 3-pointer tulad ng kanyang idol, si Golden State Warriors guard Steph Curry.

Kaya nang dumating ang tsansa noong Game 3 ng kanilang best-of-5 semifinal series sa PBA Commissioner’s Cup nitong Miyerkoles, hindi nag-atubiling magpakitang-gilas ni Lassiter.

Lamang ang Star 110-108 at may 13 segundong natitira sa oras nang mag-timeout ang San Miguel para i-set up ang kanilang huling play.

Kontento na ang San Miguel na makabuslo ng 2 points, sapat para dalhin sa overtime ang laro. Ang kaso, sumablay sa kanyang jumper si Chris Ross at pagkatapos tapikin ni Star import Ricardo Ratliffe ang bola, napunta ito sa mga kamay ni Lassiter.

Hindi ininda ni Lassiter ang dikitang pagbabantay ni Justin Melton. Nang makakita siya ng maliit na puwang, agad pinalipad ni Lassiter ang 3-point shot na bumanda muna bago pumasok. Final score: San Miguel 111, Star 110.

Ayon kay San Miguel head coach Leo Austria, natuwa siya para kay Lassiter dahil maganda ang ibinunga ng pagiging a la Curry niya.

“Ang masasabi ko talagang swerte kami. Ang swerte talagang pumupunta pagka magaling iyong player, especially like Marcio,” ani Austria.

“Alam naman nating nanalo ang Golden State, he’s a big fan of Golden State and he’s taking a shot like Steph Curry. We’re very proud of him.” 

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments