PANOORIN: John Lloyd, napaiyak dahil sa batikang aktres

0
78



MANILA — Hindi napigilan ng aktor na si John Lloyd Cruz na maiyak nang basahin niya ang sulat mula sa batikang aktres na si Caridad Sanchez.

Para sa kanyang ika-20 taon sa show business, sinorpresa ng “Magandang Buhay” si John Lloyd ng isang liham mula sa kanyang kinikilalang Lola Caridad, na nakasama niya sa seryeng “Tabing Ilog.”

Matatandaang ginampanan noon ni John Lloyd sa “Tabing Ilog” ang karakter ni Rovic, apo ng karakter ni Caridad na si Lola Juling.

“Simula nang magkatrabaho tayo sa ‘Tabing Ilog’ ang lagi kong sinasabi sa iyo ay ang pagiging mabuting anak mo at mahusay na katrabaho. How I wish na kasama mo ako diyan, para mag-celebrate pero matanda na ang Lola mo. Pero gusto kong malaman mo na I keep on watching you until now. I’m so proud of you noon pa man. Alam ko na magiging great actor ka at hindi ako nagkamali. Twenty years in this industry is no joke. Sobrang masaya ako na umabot ka ng 20 years at naging bahagi ako ng iyong career noong nagsisimula ka pa lang. Thank you for the love and you have my respect. You will always by my John Lloyd, my Rovic. I love you,” ani Caridad sa sulat na binasa ni John Lloyd.

Matapos basahin ang sulat, inamin ni John Lloyd ang pagnanais na muling makita si Caridad.

“Gustong-gusto ko siyang makita, ang tagal na pero hindi nangyayari. Hope to see you soon, sana ay madalaw kita. Mahal na mahal kita,” ani John Lloyd na ngayon ay busy sa promotion ng kanyang pelikulang “Finally Found Someone” kasama ang leading lady niyang si Sarah Geronimo.

Pag-amin ni John Lloyd, malaki ang naging parte ni Caridad sa kung paano niya pahalagahan ang kanyang trabaho bilang aktor.

“Sobra ang laki ng papel mo sa kung ano ako ngayon, sa kung paano ko binibigyan ng halaga ang trabaho ko, napakalaki ng role mo doon. I love you,” ani John Lloyd.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments