PANOORIN: Christopher Roxas, naluha sa mensahe ng mga anak

0
95



MANILA – Hindi napigilan ng aktor na si Christopher Roxas, asawa ng aktres na si Gladys Reyes, ang maluha matapos marinig ang mensahe ng pasasalamat mula sa kanyang mga anak.

Sa unang pagkakataon sa telebisyon, nakasama ni Christopher ang kanyang tatlong anak na si Christophe, Aquisha at Grant sa pagbisita nila sa “Magandang Buhay.”

Nitong Biyernes, sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama, naantig ang damdamin ni Christopher sa pagmamahal sa kanya ng mga anak.

“I’m just grateful sa lahat. Ang swerte ko binigyan ako ng mabait na asawa, maayos na mga anak. Pasalamat ako sa Itaas. We don’t have much but we have more than enough. Just grateful na lahat ng hinihingi namin sa Itaas ay ibinibigay sa amin. So thankful lang ako sa buhay,” ani Christopher.

Nang hingin ang mensahe ng mga bata para sa kanilang ama, hindi na naiwasan ni Christopher ang maluha.

“Thank you for being a loving and caring father. Sorry if we are kinda makulit sometimes but thank you for loving us. Happy Father’s Day,” ani Christophe.

“Thank you for being a loving father to us. Sorry if we are makulit just a while ago. Thank you and Happy Father’s Day,” dagdag ni Aquisha.

“Happy Father’s Day. Thanks for being smart and thank you for always loving us. I love you,” pahabol ng pangatlo niyang anak na si Grant.

Ayon kay Christopher, labis ang kanyang kasiyahan na maging ama sa kanyang mga anak at sa lahat ng biyayang natatanggap ng kanilang pamilya.

“Actually natutuwa ako na first time ito na nangyari itong tatlong anak ko na kasama ko sa ganito. Minsan di ko naisip na aabot kami sa ganito. ‘Yung blessing lang sa amin ay sobra-sobra. I love you guys,” ani Christopher.
 
Nito lamang Mayo 10 ay isinilang ni Gladys ang pang-apat na anak kay Christopher na si Gavin Cale.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments