Pancho, Max engaged na | Tempo

0
132


BAGAMA’T nagulat, masaya naman si GMA Entertainment TV Vice President for Drama Redgie A. Magno sa balitang engaged na ang kanyang anak na si Pancho Magno sa girlfriend nitong si Max Collins.

Kapwa contract stars ng GMA-7 sina Pancho at Max. Huling napanood si Pancho sa “Encantadia” at kasalukuyang nasa teleserye na “Legally Blind” si Max.

Ayon pa kay Ms. Redgie, magandang regalo daw ito ng dalawa sa kanya noong nakaraang Mother’s Day.

Aware naman daw ang GMA lady executive sa mga plano ng kanyang anak para sa longtime girlfriend.

“Nagulat lang ako dahil nag-post.
“Alam ko na they have plans. Alam ko na noong nagplano siya na magbigay ng ring.

“Nag-post sila noong papunta pa lamang kami sa dinner.

“Hindi nakita ni Pancho ‘yung real reaction ko kasi nakita ko lang din sa Facebook,” kuwento pa ni Ms. Redgie.

Iba raw ang feeling ng isang ina lalo na kapag may anak na itong ikakasal na.

“This is the first sa mga anak ko na na-engage, so I have mixed emotions. Happy and excited.

“Siyempre, iisipin mo, one member of the family will now have his own family,” emote pa niya.

Ever supportive naman daw si Ms. Redgie sa relasyon nila Pancho at Max simula pa lang noong nagliligawan ang dalawa.

Ang importante raw ay ang magkaroon na raw siya agad ng apo.

“I will be always there naman to give my support, morally, emotionally, even financially if there’s a need.

“Siyempre gusto ko na magka-apo.

“Kasi gusto ko ‘yung habang lumalaki ‘yung mga apo ko, ‘yung puwede pa akong makipaglaro sa kanila. Doon ako mas na-e-excite.

“Right now, of course I’m happy. Wala namang nanay na hindi magiging happy,” pagtapos pa ni Ms. Redgie Magno.

Four years na ang tinagal ng relasyon nila Pancho at Max bago sila na-engaged.

Noong 2014 nanligaw si Pancho kay Max pagkatapos silang magkakilala through common friends. Inamin na noon ni Pancho na matagal na niyang crush si Max.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/06/01/pancho-max-engaged-na/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments