Pambato ng ‘Pinas, hanggang Top 10 lang; Miss South Africa, itinanghal na Miss Universe 2017

0
31


WAGI bilang Miss Universe 2017 ang kandidata mula sa South Africa, si Demi-Leigh Nel-Peters na umpisa pa lang ay lutang na ang ganda, self-confidence, at talino.

Umabot naman ng Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Rachel Peters na napansing nawalan ng confidence at kitang-kita sa mukha ang pressure ng competition.

Ginanap ang Miss Universe 2017, sa The Axis, Planet Hollywood, Las Vegas, Nevada, USA noong Linggo (kahapon sa ‘Pinas).

Tinalo ni Miss South Africa sina Miss Colombia na itinanghal na first runner-up at Miss Jamaica na second runner up.

Kapansin-pansin ang pag-boo ng audience nang tawagin si Miss Jamaica bilang second runner-up.

Mula sa 92 candidates, pasok sa  Top 10 ang mga kandidatang mula Pilipinas, Venezuela, USA, Canada, South Africa, Spain, Brazil, Colombia, Thailand, at Jamaica. Habang ang Final 5 naman ay sina South Africa, Venezuela, Thailand, Jamaica, at Colombia.

Inilipat ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France ang korona sa bagong beauty queen. Isinuot ni Peters ang Mikimoto crown na sinasabing ginamit ng mga dating nagwagi mula 2002-2007.

Ang Mikimoto crown ay unang ipinasuot kay Miss Universe 2002 Oxana Federova ng Russia at huling ginamit ni Miss Universe 2007 Riyo Mori ng Japan.

Bago itoý nagkaroon ng gusot ang IMG Universe, may-ari ng Miss Universe at ang crown maker na Diamond International Corporation DIC.

Ito na ang 66th edition ng Miss Universe.

KIRA BALINGER,
DETERMINADONG
MAGING
BEAUTY QUEEN

THANKFUL ang Starmagic artist na si Kira BaLinger sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng SMAC Productions para magbida sa  A Lasting Love katambal ang SMAC artist  na si Justin Lee na ipalalabas sa Enero.

Ayon kay Kira, “I’m thankful with SMAC Productions kasi binigyan nila ako ng pagkakataong magbida with Justin Lee.”

Kasama si Kira sa ASAP BFF’s with Loisa Andalio and other Starmagic talents.

Bukod sa pag-aartista, gusto ring sumali ni Kira sa mga beauty pageant sa tamang panahon.

Ilan sa mga hinahangaan niyang beauty queen ay sina Megan YoungPia Wurtzbach, Shamcey Supsup-Lee atbp..

“Bata pa lang ako  dream ko na maging beauty queen, kaya naman isa ‘yan sa gusto kong gawin at isa ‘yan sa dream ko na gusto kong matupad.

“Siguro ‘pag nasa right age na ako and gusto ko rin mag-training para mapaghandaan ang pagsali ko in the near future,” pagtatapos ni Kira.

MATABIL
ni John Fontanilla





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments