PAISTARAN: RITZ AZUL, BET NA BET ANG KAKISIGAN NI PAULO!

0
46


Kinaiinggitan ng mga bekis, girlash, si Ritz Azul ngayon. O kahit siguro ang mga ­artistang kasabayan niya noon sa TV 5, may nararamdamang inggit sa kanya, dahil heto nga, bida na siya sa ABS-CBN 2 at dalawang gwapo, macho, pa ang mag-aagawan sa kanya, ha!

Pero, sino nga ba ang mas type niya kina Paulo Avelino at Ejay Falcon?

Si Paulo na maputi, makinis, tahimik, mukhang mabait, pero alam mong mabagsik din at mapanganib? O si Ejay na mukhang laking kanto, pero mukhang sasambahin ka talaga, o mamahalin ka nang sobra.

“Ang hirap mamili. Parang pang-beauty ­pageant ang tanong.

“Pero para sa akin, ang hirap, eh. Pero, ­siguro doon sa mamahalin ako nang husto. ‘Yung ­genuine talaga ang pagmamahal niya sa akin. At hindi niya ako pababayaan,” sabi ni Ritz.

“Ako ‘yon. Ako ‘yon,” sabi agad ni Paulo.

Pero, sino nga ang mas type mo sa ­dalawa?

“Ang hirap sagutin talaga, magkaiba kasi sila talaga. Si Paulo tahimik, si Ejay madaldal.

“Si Paulo, mas close siya sa sarili niya. Si Ejay mas close siya sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero, personally mas gusto ko ‘yung misteryoso, pero sinasabi lahat sa akin.

“Nahihirapan ako, kasi ‘no boyfriend since birth’ talaga ako.”

Sa itsura na lang ng dalawa, sino ang mas type mo?

“Allergic ako sa may ­balbas (may balbas si Ejay). Gusto ko clean!” sabi ni Ritz.

“Nagpatubo lang ako ng balbas, dahil lang sa ‘Ang Probinsyano’,” hirit ni Ejay kay Ritz.

“Kasi, ‘pag SAF ka, bawal mag-ahit. Tapos nakakulong kasi kami doon,” dugtong na paliwanag pa ni Ejay.

So, lumalabas na si Paulo ang mas type mo?

“Sa ngayon, kay Paulo ako,” pag-amin ni Ritz.

Eh, sa ka katawan, sino ang mas bet mo?

“’Yung toned lang!” sagot ni Ritz, na parang si Paulo talaga ang tinutukoy.

So, si Paulo nga talaga ang type ni Ritz?

“Yes, sa ngayon!” sabi lang ni Ritz.

Anyway, hindi ka ba ­nahirapang makisama sa dalawa, lalo na at bagong salta ka talaga sa ABS-CBN? Nakuha mo ba agad ang kiliti nila, o nakuha nila agad ang kiliti mo?

“Physically? Sa kiliti as leading man? Parang mas kiliti ko ang nakuha nila. Kasi, lagi nila akong binubola.

“Pero, habang nagtatrabaho nga kami, mas nakikilala namin ang isa’t isa, mas nalalaman namin kung saan mas naiinis ang tao, kung saan ang mas gusto niya.

“Siguro, kahit papaano medyo ­nakilala ko sila parehas. Kasi, mahigit one year na ­kaming nagtrabaho.

“Nu’ng una nag-adjust kami. Una, intimidated ako sa kanila parehas. Kasi alam kong magaling sila umarte,” saad ni Ritz.

“Parang kami naman ang nag-adjust sa iyo,” singit ni Paulo.

“Grabe naman! Pero, totoo naman na nag-adjust sila sa akin. Inalalayan nila ako. Kasi, alam naman nila na hirap ako sa ­pakilig. Medyo doon talaga ako nahirapan, kasi hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend.

“So, nagpatulong ako sa kanilang dalawa kung paano magpakilig. Inalalayan naman nila ako,” kuwento ni Ritz.

“Natural nga siyang magpakilig. Parang ang feeling ko, nagka-boyfriend ka na…” sabi ni Paulo kay Ritz.

“Feeling lang niya. Pero at least, artista. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Pero, honestly kay Paulo, sa umpisa ng taping sa Europe, sobrang tensiyonado ako, ang katawan ko ang tigas. Makikita sa kamera, ang mukha ko naninigas din.

“Nasasabihan ako ng director. Kinausap ko si Paulo na tulungan naman ako, nahihirapan ako. Kasi tahimik si Paulo, kaya naiilang talaga ako. Then, nag-start na siyang magkuwento nang magkuwento, tinulungan niya ako kung paano ma-at peace….” tsika ni Ritz.

Kay Ejay?

“Kay Ejay naman, medyo nadalian ako sa kanya kasi open siya agad. Sa story conference pa lang, marami na siyang kuwento,” sagot ni Ritz.

“Si Ritz, sobrang tahimik niya. Nu’ng nakita ko siya sa story conference, tahimik talaga siya. Ganun din kasi ako dati, na hindi ako nagsasalita. Para nga akong zombie noon. So, tinulungan ko nga siya na parang maging kumportabl e. Kasi, bagong artista, na galing sa kabilang network. Kailangan mo siyang kausapin nang kausapin. Naka-relate nga ako sa kanya noon,” sabi na lang ni Ejay.

Well…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments