PAISTARAN: Ria Atayde, katakam- takam na ang alindog!

0
117


Nag­ha­han­d­­a na nga ba si Ria Atayde sa pagsali sa beauty pageant?

Nakumbinse na nga ba siya finally ng grupo nina Jonas Gaffud?

Sa tsikahan namin ni Ria noon, sinabi niya na kinukumbinse siyang mag-join nga sa mga beauty pageants.

Taglay-taglay nga kasi ni Ria ang beauty na katulad ng kay Pia Wurtzbach.

At kung talino rin naman ang pag-uusapan, maraming padadapain si Ria. Mahusay sumagot ang anak na ito ni Sylvia Sanchez.

Pero sabi nga niya noon, mahirap pa para sa kanya ang mag-join sa mga beauty pageant, dahil mataba pa siya nung time na `yon.

Tropic like it's hot ☄️ (obsessed with this pineapple bather from @ourswimsuitmanila)

A post shared by Ria Atayde (@riaatayde) on May 27, 2017 at 1:41am PDT

//platform.instagram.com/en_US/embeds.js

Pero, kung ka-career-in daw niya ang pagpapapayat, kaya naman niyang ma-achieve ang alindog na tulad ng mga beauty queens.

At recently nga, sa photo na pinost niya sa kanyang Instagram account, marami ang nakapansin na pumapayat, o sumiseksi na si Ria, ha!

At kahit ang mga boys na sina Marco Gumabao, at Joseph Marco, namangha rin sa kaseksihan ni Ria.

Given na nga `yung magandang mukha ni Ria, pero yung samahan mo pa ng seksing alindog, aba, puwede na nga siyang sumabak sa pagandahan.

Remember, taon ang binilang ni Mariel de Leon bago sumabak ulit sa Bb. Pilipinas, matapos niyang sumali noon.

At bongga nga, dahil kinoronahan siyang Bb. Pilipinas-International 2017.

MAJA, PARA-PARAAN SA PANGHIHIPO KAY JOSEPH MARCO!

Speaking of Joseph Marco, marami nga ang naaliw sa lumabas na photo na kung saan ay pinupunasan (ng pawis?) ni Maja Salvador ang kanyang abs, ha!

JOSEPH MARCO at MAJA SALVADOR

Marami nga ang naintriga, dahil bakit daw parang sa halip na ang mukha ni Joseph ang punasan ni Maja, dumiretso agad ang dalaga sa abs ni Joseph, ha!

Naganap nga ang punasan ng pawis sa abs na `yon sa ‘Ikaw Ang Sunshine Ko Bida Kapamilya Event’ sa Muntinlupa.

Magkasama nga sina Joseph at Maja sa teleser­yeng Wildflower.

Anyway, super-tukso nga ang mga followers ng dalawa, dahil parang may kakaibang interest nga raw si Maja sa katawan ni Joseph.

Pinagnanasaan nga ba ni Maja ang kakisigan ni Joseph?

Kaya sabi tuloy ni @anoni1000, para-paraan daw si Maja na matsansingan si Jospeh, ha!

“Before si Coco pinupunasan mo sa face, then si Paulo, now naman si Joseph sa abs, ha! Ayieee!!!” dugtong pa ni @anoni1000.

Kilig na kilig naman si @palabokhouse sa nakita niya. Bagay na bagay nga raw ang dalawa.

At si @asnov_dimitri, kinuwestiyon din ang nakita niya, na bakit ang abs talaga ang pinunasan at hindi ang mukha.

So, ‘yun na raw ba ang uso ngayon, na hindi na sa mukha ang punasan kundi diretso agad sa abs.

“@belle_laide: Hindi na pala sa mukha ang pag-punas ng pawis….sa abs na, agad-agad!!!”

Well, makikita naman sa mukha ni Joseph na kiliting-kiliti siya sa ginagawa ni Maja sa kanya.

At kahit sino naman sigurong lalake, makikiliti, at magi-enjoy, once na ang mga kamay na ni Maja ang humaplos, humipo sa kanilang tiyan.

VALEEN, NAKASISILAW ANG ALINDOG!

Speaking of abs, bongga rin ang abs ni Valeen Montenegro, ha!

VALEEN MONTENEGRO

Kaya naman marami na naman ang naglaway at nasilaw na rin sa alindog niya na pinost niya sa kanyang Instagram.

Ang puti, ang kinis, ang seksi!

Teka, ang boyfriend nga ba niya ang kasama niya sa paglalamyerda niya ngayon sa Vigan, at sa mga karatig-lugar?

The post PAISTARAN: Ria Atayde, katakam- takam na ang alindog! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments