PAISTARAN: RHIAN AT SOLENN, KABUGAN NG ALINDOG!

0
98


Umabot na sa 466,588 views ang nakuha ng Instagram video post ni Nico Bolzico, kung saan ay matinding ‘prank’ ang ginawa niya sa misis niyang si Solenn Heussaff.

Marami nga ang naloka, at natuwa sa video na `yon, na kung saan ay magkasama sina Solenn at Nico sa loob ng bathroom. Mukhang katatapos lang mag-shower ni Solenn at ibu-blow dry niya ang kanyang hair.

Nung saktong itinapat na niya sa mukha niya, papunta sa buhok ang hawak na blower, biglang lumabas ang sandamakmak ng powder, na napunta sa mukha, buhok ni Solenn. Ang ending, nagmukhang white lady si Solenn dahil sa mga pulbos na napunta sa mukha niya.

Idinaan ni Solenn sa pagtawa ang prank na ginawa sa kanya ni Nico. Pero, sinabunutan din niya ang husband niya at nagbanta siyang gaganti.

“Planned this for the longest time and I just realized I went a bit too far! I will be asking for forgiveness for a few days but the video is for eternity… Bebe, I love you and I am so sorry! #wifezillaseries #wifezillathemime#isawthisonline#pleasedontleavemesolenn,” sabi ni Nico.

“Best prank ever!!! Hahahahaha! My payback is going to be ooh soooo sweet! Te amo. 1 point Nico!” sabi ni Solenn.

Sa kasunod na post ni Nico, makikita ang mukha ni Solenn na puting-puti. At ang next photo naman ay may bitbit na siyang bulaklak, stuffed toy, balloon, na pansuhol niya kay Solenn, at para patawarin na rin daw siya ng misis niya.

“When your last prank went too far and you beg for forgiveness! #sadpuppyface #pleaseforgivemebybrianadams#thebeautyandthemedyobastos,” sey ni Nico.

May mga followers silang dalawa na nakiusap kay Solenn na patawarin na ang kanyang mister.

“I love bastos!” sagot ni Solenn sa kanila.

RHIAN AT SOLENN

Anyway, agaw-atensiyon din ang mga photos naman nina Solenn at Rhian Ramos sa social media, dahil pareho nga silang seksi-seksihan, ha! 

Mga eksena raw `yon sa show nilang Taste Buddies (na mapapanood sa June 3, 8:45pm sa GMA News TV.

Bongga nga dahil magpapatalbugan sina Solenn at Rhian doon sa pagpu-photoshoot sa ilalim ng tubig.

Pabonggahan sa underwater photoshoot ang dalawa, na ija-judge ni Phillip Lazaro. Aliw nga ang dalawa, dahil kahit ang gaganda nila, hindi sila nahihiyang paglaruan ang sarili nila sa harap ng kamera. Pa-fierce-an sila. Pagalingan sa pag-emote.

Parehong makulit sina Rhian at Solenn. Parehong walang kaarte-arte sa katawan.

Speaking of Rhian naman, feeling ‘senti’ at happy siya ngayon dahil ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-11 taon sa showbiz.

“Eleven years ago, on the 29th of May, aired Captain Barbell’s pilot episode introducing me as Rhian Denise Ramos on GMA Primetime.

It’s been 11 years of roles, ups and downs, learning, discovering the world and myself and meeting people that’d forever change my life.

“Thank you to all who have been part of the adventure. It’s been weird growing up with you all. I’ve come to love this interesting life though. I have not and will not take the journey for granted.

“Thank you to everyone who celebrated online with me yesterday! And to the greatest fans in the world, thank you for the flowers and cake and always making me feel like someone worth celebrating! Parang lagi kong birthday,” sabi ni Rhian.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments