PAISTARAN: KEN CHAN, WAGI KAY BARBIE!

0
63


Mega-trending ang pa-hashtag sa finale episode ng Meant To Be na #MTBYouAndMeTheKiligFinale, na kung saan ay pumili na nga ang karak­ter ni Barbie Forteza na si Billie ng kanyang ka-meant to be last Friday (June 23) ng gabi.

Si Ken Chan (bilang Yuan) nga ang napili ni Barbie. At magkahalo nga ang emosyon ng mga fans ng show. Na normal lang naman, dahil ang apat na boys, may kanya-kanyang hukbo ng mga fans, na tipong makikipagtala­kan talaga, maipaglaban lang ang ‘karapatan’ ng kanilang mga idolo.

Winner man si Ken Chan sa puso ni Barbie sa MTB, para sa mga fans ni Ivan, panalo pa rin ang kanilang idolo.

Mababasa sa Twitter, Instagram, at Facebook, ang kumukulo sa galit na komento ng mga maka-Ivan-Barbie, dahil para sa kanila, sa poll na ginanap, si Ivan talaga ang wagi.

Na kesyo ang mga bosses lang daw ng GMA 7 ang nasunod, na siyang pumili na si Ken ang makatuluyan ni Barbie sa huli.

Tanong ng mga fans, bakit pa nagpa-poll kung hindi naman pala sila ang masusunod? Sayang daw ang boto nila.

Ilang araw bago pa man ang kilig finale, may idea na talaga ang mga maka-VanBie, na hindi sila ang mananalo, at ang KenBie nga raw ang wagi, na nagkatotoo nga. At doon pa lang, tila may giyera na sa social media, na halos maya’t maya ay nagtu-tweet sila, at panay rin ang message nila sa akin, na unfair nga raw ang nangyari.

Sabi ni shaofficialme…

“Sana hindi na lang kayo nagpaboto kung desisyon nyo rin pala ang masusunod. What is the purpose of voting? Useless lang ang pagboto namin. Akala namin si Ethan na ang ka-MTB ni Billie pero si Yuan pala.

“Sya ang pinili ni Billie dahil matagal na sya sa industriya samantala si Ivan bago palang. Ganon ba? Hayst. Nakaka-disappoint talaga. Bumoto kami araw-araw para lang mapataas yung votes ng idolo namin. Halata naman di ba na maraming fans ang VanBie dahil si Ethan ang may pinakadaming votes. Sana hndi na lang kayo nagpaboto. Ano to lokohan? Masakit bes!”

Oh, di ba, punung-puno ng emosyon, at tila katapusan na ng mundo, kung ituring nila ang pagka-basted ni Billie kay Ethan (Ivan).

Pero siyempre, hindi papayag ang mga maka-Ken, dahil para sa kanila, sa simula’t simula pa lang, ang idolo na nila ang karapat-dapat kay Billie. At kahit daw sa totoong buhay, si Ken pa rin ang bagay para kay Barbie.

Kung palakasan daw sa fans ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang KenBie, dahil palaban din sila sa pagsuporta sa kanilang mga idolo, lalo na ngayon na may pelikula na nga raw na gagawin ang dalawa.

Anyway, kilig nga ang mga fans ng KenBie sa eksena ng dalawa na…
“Billie, mahal kita, kaya sabihin mo sa akin bakit ako ang pinili mo?” kyemeng tanong ni Ken (Yuan) kay Barbie (Billie).

“Kasi, mahal kita!” pa-etchos na sagot naman ni Billie kay Yuan.
Eh, may karugtong na etchos pa si Yuan kay Billie na…

“Pangako, aalagaan ka ng pagmamahal ko Billie… Pangako…”

Oh, di ba, mga karakter lang nila ang nag-uusap, pero kung titingnan mo sa social media ang reaction ng mga fans, parang totoo ta­laga, at tunay na buhay ang eksena.

Anyway, para sa mga Ivan fans, hindi man daw ito ang perfect guy for Billie, darating din ang perfect girl para kay Ethan.

Sabi pa nila, sa lahat ng nabasted, kalmado, at sobrang gwapo pa rin daw talaga ni Ethan. At ang nag-iisang tinig ng mga kababaihan, ‘Akin ka na lang, Ethan!’

Anyway, sabihin mang talo sa simula pa lang, marami pa rin ang nasaktan para sa dalawa pang boys, sina Addy Raj (Jai) at Jak Roberto (Andoy).

Pero, sabi nga sa linya ng karakter ni Gloria Romero bilang Lola Madj…
“Hindi lagi naibabalik ang pagmamahal. Ang importante nagmahal ka…”
Oo nga naman!

Siyanga pala, sabay-sabay na nanood ng finale sina Barbie, Ken, Ivan, Jak, at Addy. At kung mega-away ang kanilang mga fans, mega-tsikahan naman sila habang nanonood.

At siyanga pala, pa­laisipan pa rin hanggang ngayon, may part 2 nga ba ang Meant To Be na dapat abangan?

Abangan!!!



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments