PAISTARAN: JULIE ANNE, ITINODO ANG PAGPAPASEKSI!

0
138


Deadma lang si Julie Anne San Jose sa mga feeling conservative na netizens na pumuna sa paglalantad niya ng kaseksihan sa isang dagat sa Cebu. Deadma lang siya sa mga nagsasabing hindi na siya wholesome, na hindi na pang-kids ang image niya.

At kahapon nga, lalo pang tumindi ang pag­lalantad ng alindog ni Julie Anne sa Cebu. Hu­ling hirit daw niya `yon, ngayong tapos na nga ang summer, o tag-init, at halos araw-araw ay umuulan na.

Mas bonggang skin-tone 2-piece bikini nga ang suot niya, at sa photo na nakatayo siya, with matching shades, ang form ng legs, at walang taba na tiyan nga ang ipinasilip niya. At sa isa pang photo na nakaupo naman siya, ang makinis na behind naman ang ipinakita niya.

Kaya sorry na lang sa mga inggitero-inggitera sa mga pinaggagawa ni Julie Anne, dahil mukhang naka-off ang cellphone niya para sa mga bashers, haters niya.

Na habang nilalait at binabatikos nila si Julie Anne, hayun ang dalaga, enjoy na enjoy sa pakikipaglaro sa mga buhangin at dagat.

Sabi ni julieben_memes, “Tama yan Julie wag ka magpaapekto sa ‘conservative’ kuno.”

Say naman ni jdl.japs22, “Hala ka ate Julie. Bat ganyan na naman po suot ninyo, asan na po ‘yung Pajama saka Jacket po ninyo? ‘Yun na lang po isuot ninyo. Tutal nasa beach po kayo Haha.”

Pabor naman si juanabejuana sa ginagawa ni Julie, at sabi nga niya, “MOOOOORE!!!!! Inisin pa natin ang mga conservative mong fans.” 

Heto naman ang payo ni jemccabute, “Keep it up Jules! Don’t mind them. Inisin ang mga pabebeng fans kuno HAHA. Moooore pa Jules.”

JAKE-INAH, ‘LOVEBIRDS’ SA BORACAY!

Jake at Inah

Tanong ng mga fans nina Jake Vargas at Inah de Belen, bakit daw walang masyadong feature ang GMA 7 tungkol sa kanilang mga idolo? Bakit daw ni hindi man lang ibinabalita ang bonggang lambingan, bakasyon ng dalawa sa Boracay.

Samantalang ang mga kuwento raw kina Alden Richards at Maine Mendoza, konting beso lang, konting attend lang sa event, binabalita na.

Eh, samantalang kina Jake at Inah daw, ang bongga-bongga na ng mga photos ng dalawa, na lovebirds na lovebirds nga ang dating sa mga photos nila sa Boracay, deadma pa rin ang GMA.

Anyway, para sa mga fans nila, love is in the air daw talaga kina Inah at Jake. At maituturing na ‘relationship goals’ na rin daw talaga.

At bagay na bagay nga raw ang mga idolo nila, dahil parehong ma­amo ang mga mukha.

At wish din ng mga fans nila, mabigyan naman ng panibagong pro­ject ang mga idolo nila.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments