PAISTARAN: GIL CUERVA, WILLING MAGPASILIP NG BUKOL!

0
230


Kung tototohanin ni Gil Cuerva ang tsika niya sa presscon kamakailan, na kesyo willing siyang magpa-pictorial na naka-speedo, na fit na fit, o tipong bakat na bakat ang kanyang ‘notes’, sure akong magiging pantasya rin siya agad-agad ng mga badikla.

Sabi kasi ni Gil, never pa siyang nag-photoshoot na halos lantad na ang kanyang ‘kabukulan’, pero kung hihilingin daw ng mga fans, why not?

“Gusto ba nila `yung fit na fit talaga? ‘Yung speedo? ‘Yung may makikita talaga sila? Sige!” pangiti-ngiting sabi niya sa isang bading na manunulat, na mukhang feel na feel ang binatang leading man ni Jennylyn Mercado sa My Love From The Star ng GMA 7.

Pero siyempre, hindi naman kailangan gawin ni Gil `yon sa ngayon. Eh, `yung pa-topless na shower scene pa nga lang niya, benta na sa mga fans niya. Pero, `yun na nga, modelo si Gil, at wala siyang inaatrasan, alang-alang sa sining.

Anyway, ramdam na ramdam na ang pagmamarka ng pangalan ni Gil Cuerva sa showbiz. Katunayan, sa ginanap na GMA Artist Center Fans’ Day kamakailan, pinagkaguluhan talaga siya ng mga fans.

Kahit na raw nakailang beses na siyang lumibot sa mga mall shows at regional events para sa My Love From the Star, kakaiba raw ang feeling niya noong makasalamuha ang mga tagasuporta niya sa Fans’ Day.

“Sobrang thankful talaga na ang lakas ng support na galing sa mga fans.

Before ako nag-enter sa showbiz, hindi ko in-expect na ganito pala kalakas ang magiging support sa akin, lalong-lalo na baguhan pa lang ako.

Unexpected, but at the same time ay very much appreciated,” kuwento pa ni Gil.

JACKIE RICE, KINAMUMUHIAN NA NG FANS NINA JEN-GIL!

Jennylyn Mercado at Jackie Rice

Ang lamya umakting! Nakakainis! Ang payat mo! Buti nga sa iyo, dahil hindi ka gusto ni Christian Bautista.

Ilan lang `yan sa mga ibinabatong komento ng mga fans ng My Love From The Star, na galit na galit na ngayon kay Jackie Rice, ang gumaganap na Lucy sa naturang teleserye.

Sa mga episodes kasi ng My Love From The Star ngayon, lumalabas na ang tunay na ugali ng karakter ni Jackie, na tipong nasa loob ang kulo, at nagi-enjoy sa pagbagsak ng karakter ni Jennylyn Mercado na si Steffi Chavez.

Well, happy naman si Jackie na nakakatanggap na siya ng batikos mula sa netizens, fans. Meaning daw kasi, effective ang role niya as Lucy sa My Love From The Star.

“Ang dami na ngang naiinis kay Lucy, sa pagiging plastic niya kay Steffi. Marami na nga akong nababasang about Lucy, dahil sa mga nakakainis na ginagawa ng role niya ko,” sabi ni Jackie.

Well, good job, Jackie dahil sa galing mo pero para sa mga fans, hinay hinay lang daw sa pakikipaglaban kay Steffi.

Pero, in real life, sure kami na mabait si Jackie. At sure kami na hindi sila magkaaway ni Jennylyn sa totoong buhay!

Anyway, walang-awat nga sa pagpapakilig sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva. Lalo na ngayon na nasa alanganin palagi ang buhay ni Steffi, dahil kay Jackson (Gabby Eigenmann).

Tuluyan na ngang nahuhulog ang loob ni Matteo kay Steffi at hindi ito papayag na may mangyaring masama kay Steffi.

Kung wala nga lang Dennis Trillo si Jen, baka mag-isip na ang mga fans nila, na may magandang nagaganap sa pagitan ng dalawa.

“@edvanrachemarie: Simple lang yung istorya ng MLTFS pero kumpleto, may love story, drama, comedy, suspense, fantasy kaya kaabang-abang #MLFTSRachelsUSB”. @MCph1125: “I really enjoy the chemistry between Jen and Gil! For me, it’s as natural as the sun rising and setting each day! Saya pa! #MLFTSRachelsUSB”.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments