PAISTARAN: EMPOY IS THE NEW ‘CRUSH NG BAYAN’!

0
270


Nag-post lang si Empoy Marquez ng picture niya na katabi ang old picture ni John Lloyd Cruz, sobrang naaliw na ang mga followers niya.

Si Empoy nga ang tinuturing na The Millennial Leading Man! Siya rin ang tinaguriang Empoy is the new Gwapo! At siya rin ang bagong ‘Crush ng Bayan’! Kaya tsupi na, Piolo Pascual, John Lloyd at pati na sina Daniel Padilla at James Reid.

Well, ang nakamamanghang tagumpay nga ngayon ng pelikulang Kita Kita nina Empoy at Alessandra de Rossi ang ugat ng lahat ng atensiyon na nakukuha nga­yon ng komedyanteng may bigote.

Ito nga ang klase ng pelikula, na pinipila­han na sa takilya, pinupuri-puri pa ng manonood, dahil sa ganda. Wagi nga si Direk Sigrid Andrea Bernardo sa puntong ito.

May mga pelikula kasi na kumikita nga, kalait-lait naman talaga. Pero sa Kita Kita, uulit-ulitin mo talaga, dahil sa ganda ng pelikula.

Anyway, sentro nga ng tsikahan at tawa­nan ngayon sa social media ang photo ni Empoy na katabi ang picture ni Lloydie. Tipong kop­yang-kopya kasi ni Empo­y ang itsura ni John Lloyd sa IG post niyang ito.

Heto nga ang mga komento ng netizens, na karamihan ay nag-a-agree talaga sila na mas gwapo si Empoy kay John Lloyd:

me_i_am_gracie “Funny is the new handsome.”

uolazzir@shi_ean “Funny is the new pogi hahaha.”

emem_yoo “Tonyoooo why do you make me kilig? Omg 5 araw na di pa rin ako maka-move on @empoy team #alempoy pa rin naaalala ko sa twing makakakita ng saging.”

abcdexantonio “Hopefully magka-mo­vie cna empoy at Sa­rah G o kaya empoy at @beaalonzo #NewLeadingMan#NewBoxOfficeKing.”

muybien.1388 “Excuse John Lloyd. Pwde ka na Mag-retire po. Char! Hahahaha!”

vanvan.moymoy “Ang pogi!”

kingjackielou “Hanggang ngayon may hang over pa din ako sa Kita Kita hays ang ganda.”

iamkwisel “Idol na kita Empoy akin kana lang! Lablab.”

gladzdoit “Mas gwapo pla sa personal c Loydie eh hehehe @empoy. Ako nlang tour guide mo.”

lovemebibaforever “Panis si JL sayo @empoy Grabe ang galing mo sa #kitakita.”

kwinhoneynuts_29 “Mas wafu kapa kay loydie Tonyo your humor is so kainlababo.”

dhangpabilona “Simula nung nanuod ako ng Kita Kita, ikaw na @empoy ang pinakagwapong nilalang para sakin. Ipagkakatiwala ko ang buhay ko sa isang saging.”

rea_pie “@empoy ang tunay na alamat ng kagwapuhan.”

miss.juanago “Empoy is the new gwapo.”

elairashae “@empoy is the new pogi! Congratulations po sa successful movie with ms. @alessderossi  me and my boyfriend watched it last day and we really enjoyed it. Lots of lesson and realization about love that really imparted to us. God bless po and more blessings! dahil saging lang ang may puso.”

marr_yan “Ang bagong heartthrob ng bayan!”

_amine.003 “Nice. You’re so cute Empoy with your own unique ways. I hope na ipalabas din dito sa UAE un movie nyo ni Alex. Congratulations.”

hans.quindoza “Di agad ako makapag-type ng sasabihin, ang sakit ng tyan ko sayo! Buset.” kenshii_ “@empoy grabeeeeee ang hot moo. Oppaaaa.”

clarituuuh “Myghad! I was sad awhile ago when I scroll and see this post, suddenly I just find myself laughing! thanks empoy!”

dhamoratin “Shockksss walang sinabi si Loydie sa appeal mo @empoy.”

Sharon, type maging leading man si Empoy!

Mukhang pipilahan na nga si Empoy ng mga sikat na aktres ngayon. Na bukod kina Sarah Geronimo, Bea Alonzo, at marami pang iba, ang Megastar na si Sharon Cuneta, mukhang bet na bet na rin na maka-love team si Empoy.

Si Empoy na nga ang bagong Gabby Concepcion sa buhay ni Sharon? Heto ang post ni Sharon:

“Aba aba aba! Eh Kung ikaw ba naman ang makatapat sa movie ni JLC na kumikita ka din sa takilya eh may karapatan ka na talagang tawaging Leading Man at Box-Office Star! I’m sure JL is super happy too for Empoy! Tsk tsk tsk…Tita Malou @malousantos03 , Inang @olivia_manalili, and Tita Charo @charosantos, naghintay at sumakit lang ulo natin ng napakatagal…eh si Empoy Lang pala ang kasagutan, ang bait pa! Hahahaha! (Waaaaaaaahhh! Wala na akong Ariwana sa aquarium ko! Sikat na siya! Hahahaha! Aba super-deserving naman at napakabuting tao ng Empoy pogi namin!)” sey ni Sharon.

Heto naman ang pag-agree ni Charo Santos…

“Agree Sharon @reallysharoncuneta! Congratulations Empoy. Well-deserved talaga….”

Siyempre, isa-isa silang pinasalamatan ni Empoy. At isa-isa rin niyang nila-like ang mga na pumupuri sa kanya sa Instagram.

“Maraming salamat po mami Shawie and mam Charo from tonyo of kitakita hehehe God bless…” sey ni Empoy.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments