PAISTARAN: ARCI, NAG-PROPOSE NG KASAL KAY DANIEL SA EIFFEL TOWER!

0
79


Hindi kataka-takang mauwi sa relasyon ang ‘special’ na samahan nina Arci Muñoz at Daniel Matsunaga ngayon. Parehong single, at nanggaling sa ‘masakit’ na break up sina Arci at Daniel.

Una silang natsismis sa I Can Do That show ng ABS-CBN 2. Ang mga kasamahang artista sa show, at mga fans, ang nag-link sa kanila, dahil sabi nga, bagay raw ang dalawa.

At heto na nga, parehong nasa Paris ang dalawa, para sa dalawang shows nila roon. Una nga ay ang Road To Europe sa June 24, at ang Road To Vienna sa June 25.

Kasama naman nila ang ilang singers, pero siyempre, ang ‘special’ na samahan nila ang tinututukan ng mga followers nila.

At yes, hindi naman nila binigo ang kanilang mga fans. Makikita sa IG stories ni Arci ang mga videos nila ni Daniel, na magkasama sa Disneyland, Paris.

At sa naturang IG stories, may kuwentong ginawa si Arci. Sa si­mula, tauhan lang niya si Daniel, na pinapayungan siya nito sa paglalakad sa gitna ng tirik na tirik na araw.

“Ang bagal ng mga tauhan ko. Sayang ang binabayad ko. Ang mahal-mahal pa naman. Ayusin mo nga ang pagpapa­yong mo!” tsika ni Arci kay Daniel, na patawa-tawa lang naman ang binata.

Next video, ‘daughter’ naman ni Daniel ang role ni Arci. Nakasakay siya sa ‘stroller’ na para sa mga bata lang talaga. At siyempre, si Daniel ang nagtutulak ng ‘stroller’ niya.

Dito naman ay feeling ‘baby’ talaga si Arci, ha! Mula sa pananalita, at paglalambing sa kanyang ‘daddy’  na si Daniel nga.

At ang kasunod na video, mukhang mag-asawa naman sila, na namamasyal nga sa park. Si tatay (Daniel) ay nagtutulak ng ‘stroller’, habang nakakapit lang si mommy (Arci).

Tawang-tawa si Arci sa video na ito, at tinuturo pa ang tiyan ni Daniel. At nu’ng binuksan niya ang ‘stroller’, tawang-tawa pa rin siya, na wala naman ang ‘baby’ nila sa loob.

Anyway, sayang nga lang at hindi maka-comment ang mga fans nila sa mga video na `yon ni Arci. Pero, sa truth lang, amoy na amoy ang posibilidad na magkarelasyon sila.

Ang lakas ng chemistry nila, at nakakahawa ang mga tawa, biruan nila, kapag magkasama sila.

Well, malay naman natin, pagbalik nila rito sa Pinas, may i-announce na sila, ha!

Pero ang mas bongga ay ang eksena nila sa Eiffel Tower, na makikita ang video sa IG account ni @lomi2k5, kung saan ay pabirong nag-propose na nga si Arci ng ‘kasal’ kay Daniel, ha!

Ke biro man `yon, marami talaga ang kinilig. Ang bongga nga, dahil habang nasa harap sila ng Eiffel Tower, patingin-tingin sa matitingkad na ilaw, biglang lumuhod si Arci sa harap ni Daniel, at kunyaring may inabot na ‘singsing’ sa mga kamay ni Daniel.

At si Daniel naman, bongga rin ang reaksiyon, dahil tila gulat na gulat ito sa eksenang `yon, ha! Ang galing nilang dalawa. Ang bongga nila.

Bagay na bagay nga raw ang kakulitan ni Daniel kay Arci. Kaya ang mga Darci fans, hopia na sana ay magkatotoo ang nakikita nilang lambingan sa kanilang mga idolo.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments