PAISTARAN: ANGELICA, FEELING ‘DYOWA’ KAY GLAIZA!

0
59


glaiza-angelica
GLAIZA at ANGELICA

Hanep, at nakakabilib ang ‘friendship’ na ipinapakita ni Angelica Panganiban sa Kapuso actress na si Glaiza de Castro, ha!

Kung malisyosa ka nga lang, puwede mong sabihin na natotomboy na si Angelica sa alindog ni Glaiza.

Aba, matapos ngang bitbitin ni Angelica si Glaiza sa Singapore kamakailan para manood ng concert, sa IG stories ni Angelica ngayon, puro videos naman ni Glaiza ang makikita mo, ha!

Ang bongga lang, dahil feeling dyowa nga si Angelica, na bawat kilos ni Glaiza, nadudokomento ni Angelica.

Ganun na ganun nga ang nakikita ko sa IG ni Dingdong Dantes, na puro si Marian Rivera ang mapapanood mo, at siyempre ang baby nila na si Zia. O si Ryan Agoncillo kaya na puro rin si Juday Ann Santos, at mga anak nila ang masisilip mo.

Anyway, mapapanood nga sa IG stories ni Angelica ang pagtugtog ni Glaiza. Mukhang gig `yon, o launching ng album ni Glaiza, at si Angelica nga ang special na visitor niya, pero nagmukha ring photographer, o videographer, dahil `yun na nga, lahat ng anggulo, lahat ng kilos ni Glaiza, kuhang-kuha ni Angelica, ha!

Nakakainggit si Glaiza, na nakakita siya ng kaibigan na tulad ni Angelica. Na handang bumaba sa trono, maiparamdam lang sa kanya ang pagmamahal.

Si Angelica, na hindi rin naman ordinaryong artista lang, dahil sikat nga ito, may sariling hukbo ng mga fans, pero pagdating sa kaibigan na tulad ni Glaiza, hindi mo maramdaman na sikat na sikat siya.

Anyway, tunay na kaibigan na maasahan din ang tingin nina Angel Locsin, Melai Cantiveros, Sunshine Garcia, at pati na ni Alyssa Valdez kay Angelica.

At sana nga, dumami ang tulad ni Angelica sa showbiz, na walang kaere-era, para sa isang kaibigan.

PIA, MABANGO PA RIN!

Iang months pa lang after na ipasa ni Pia Wurtzbach ang korona niya bilang Miss Universe, iniisip ng iba, magbabago na ang mundo ng dalaga. Na kesyo hindi na ito magiging kasing-init na tulad nung nasa ulo pa niya ang korona.

Well, oo nga at may bago na ngang reyna, pero hindi maitatanggi, na hanggang ngayon, ang mukha pa rin ni Pia ang puwedeng sabihin na ‘Face of the Universe’ at `yun ay sabi rin ng manager niyang si Jonas Gaffud.

Sabi ni Jonas, tuloy-tuloy ang biyaya kay Pia. Na hindi nga ito katulad ng ibang naging reyna, na matapos ipasa ang korona, nanahimik na ang career.

Si Pia, habang tumatagal, lalo raw nagiging mabenta.

“The face of the Universe! Sexy Pia Wurtzbach shooting her 9th endorsement after passing on the crown. Another blessing. Praying for more. Thank you Lord,” sabi ni Jonas.

Imagine, naka-9 na endorsements na pala si Pia after niyang ipasa ang korona. At bukod pa riyan ang naka-line na pelikula niya na kasama sina Vice Ganda at Daniel Padilla, ha!

“Just finished shooting something new and exciting! Can’t wait to share it with you guys! Laban!” sey ni Pia sa naturang picture.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments