Pagkakaibigan nina Coco at Vice, masusubok kaya?

0
59


Photo by Rhys Buccat, ABS-CBN News

MANILA — Ngayong taon, muling nakabalik sa official entries ng Metro Manila Film Festival sina Coco Martin at Vice Ganda. Pero sa pagkakataong ito, hindi sila magsasama sa isang pelikula.

Noong nakaraang taon, hindi nakapasok ang kanilang entry na “The Super Parental Guardians.” 

Bitbit ni Coco sa kanyang pelikulang “Ang Panday” ang karamihan sa cast members ng “Ang Probinsyano,” kasama ang bagong leading lady na si Bb. Pilipinas International 2017 Mariel de Leon. 

Samantala, kasama naman ni Vice sa kanyang pelikula ang heartthrob na si Daniel Padilla at Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. 

Pangamba tuloy ng marami na baka magkaroon ng rivalry sa pagitan ng mag-“bestie” at maaring mauwi pa sa tampuhan. 

Nitong Martes ng gabi, ipinasilip ang bagong “Ang Panday” na unang binigyang-buhay ni Fernando Poe Jr. at likha ni Carlo J. Caparas. 

Sa interview kay Coco, hindi napigilang mapag-usapan ang kanyang reaksiyon sa posibleng rivalry nila ni Vice. Agad namang tinawanan ito ng aktor. 

“Hindi ko alam eh. ‘Yon ang desisyon niya eh. Ako gagawin ko ‘to para sa lahat ng mga tao para sa mga sumusuporta, naniniwala at sumusubaybay sa ‘Ang Probinsyano.’ And sana ngayong Kapaskuhan mapaligaya ko po ‘yong mga tao,” ani Coco. 

Nang tanungin kung may tampo ba siya kay Vice, sabi niya’y hindi pa raw sila nakakapag-usap. “Eh kung ganoon, magkakasabay kami, hindi ko po alam mahaba pa po ‘yon. Malalim ‘yon. Hindi pa po kami nagkakausap,” dagdag pa niya. 

Pero ayon kay Coco, magkaiba man sila ng pelikula ni Vice, iisa lamang ang kanilang hangarin. At ‘yon ay mabigyan ng masayang Pasko ang bawat pamilyang Pilipino. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments