Paghahain ng kandidatura para sa barangay at SK elections, umpisa na sa September 23

0
63


Dahil nakabinbin pa rin ang batas na muling magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa October 23, 2017, tuluy-tuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na botohan.

Gayunman, ang eleksyon ay idaraos lamang ang eleksyon sa Luzon at Visayas dahil nauna nang nagpasya ang Commission En Banc na ipagpaliban ang botohan sa Mindanao dahil sa nagaganap duong kaguluhan at rebelyon.

Kaugnay nito, naglabas na ng panuntunan ang Commission on Elections (COMELEC) para sa paghahain ng kandidatura o Certificate of Candidacy (COC) ng mga nais na tumakbo sa Barangay at SK Elections.

Sa ilalim ng Resolution No. 10196, itinakda ang paghahain ng COC mula September 23 hanggang September 30, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Tatanggap ang mga lokal na opisina ng Comelec ng COC kahit araw ng Sabado at Linggo.

“No person may run for the position of Punong Barangay, Sangguniang Barangay Member, Chairperson or Sangguniang Kabataan Member unless such aspirant accomplishes a sworn COC in the form prescribed by the Commission,” ang nakasaad sa resolusyon.

Tatlong kopya ng COC ang kinakailangang isumite ng kandidato sa Office of the Election Officer na nakakasakop sa barangay na nais niyang takbuhan.

Kinakailangan din na personal na ihain ng kandidato ang COC o kaya ay ng kanyang kinatawan pero dapat ay may kalakip na letter of authority na nilagdaan ng kandidato.

Hindi tatanggap ang Comelec ng COC na isinumite sa pamamagitan ng snail mail, electronic mail o di kaya ay ipinadala sa facsimile.

Maaring kumuha ng COC form sa field offices ng Comelec o di kaya ay idownload mula sa official website ng poll body na www.comelec.gov.ph.

Paalala pa ng Comelec, walang filing fee na sisingilin sa paghahain ng COC.

Ang mga appointed official sa gobyerno, kabilang na ang mga aktibong myembro ng AFP, at mga nagsisilbi sa mga government-owned and controlled corporation (GOCC) ay ikukunsidera nang nagbitiw sa pwesto kapag naghain ng COC.

“Any person holding a public appointive office or position, including active members of the Armed Forces of the Philippines, and other officers and employees in government-owned or controlled corporations, shall be considered ipso facto resigned and must vacate the office at the start of the day of the filing of a COC. Any person holding an elective office or position shall not be considered resigned upon the filing of a COC,” ayon pa sa resolusyon.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments