Pagbabalik-LLS  ni Angel kinukuwestiyon, inaalmahan ng ilang KathNiel fans

0
31


HINDI namin nilalahat pero grabe naman ang ilang supporters nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil inaaway nila si Angel Locsin sa pagbabalik nito sa La Luna Sangre. Ano ba ‘yun?

Grabe, nabasa namin ang baliktaktakan ng ilang supporters’ ng KathNiel kay Angel na talagang maski anong paliwanag ng huli ay hindi nila matanggap kung bakit siya ibinalik sa ibang karakter bilang si Jacintha Magsaysay.

Ang sama ng loob ng ilang KathNiel supporters ay bakit kailangan pang ibalik si Angel sa serye nina DJ at Kath?  Nabanggit sa pilot na special participation o cameo role lang ang aktres. Nabanggit pa na baka matulad na naman ito sa seryeng Pangako Sa ‘Yo o PSY na hindi sina Daniel at Kathryn na ang kuwento at umikot kina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion na sinamahan pa ng Angelica Panganiban kaya sila ang napansin at hindi ang KathNiel.

Maayos ang sagot ni Angel, “hindi ko po alam. Hindi po ako taga-’PSY’. Hindi rin po ako management. Empleado lang po ako. Thank you.”

Tila bingi na ang kasagutan ni Angel dahil ipinipilit pa rin ang katwiran niya.

Kaya ang huling sabi ni ‘Gel, “eto naman, ‘di ba ako ‘yung nagagamit? Show nila to eh 🙂 para sa kanila 🙂 suportahan n’yo na lang lalo para mas maging maganda.”

Anyway, tinawagan namin ang isa sa administrator ng pinakamalaking grupo ng supporter ng KathNiel na si Ms. Agot mula sa KathNiel KaDreamers World na umaabot globally ang miyembro nila.

Tinanong namin kung aware at kung ka-grupo nila ang umaaway kay Angel.

“Magandang umaga po, Ms. Reggee sa totoo lang po, nagugulat din po kami sa mga nababasa namin. Hindi po namin ka-grupo ‘yung bashers ni Angel, actually po, nagpapa-imbestiga na po ako kung sino kasi po nakakahiya kasi damay-damaykaming lahat maski wala naman sa grupo namin iyon.

“Naintindihan po namin ‘yung hinaing ng bashers ni Angel kasi KN supporters din sila, pero sana hindi sa ganoon paraan kasi po napapasama lahat. At ‘pag nalaman pa ‘yan nina DJ at Kath, baka magalit din sila sa grupo.

“Nag-message na nga po ako sa KaDreamersWorld na walang sasagot o magpo-post ng anuman para walang gulo at umokey naman po lahat.

“Sa totoo lang po Ms. Reggee nababahala rin kami na baka nga isipin na hindi kaya ng KathNiel ang ‘LLS’, pero hindi, eh, pinupuri naman sina DJ at Kath, ang galing po ng acting nila kaya kampante naman po kami.

“Kay Ms. Angel Locsin po, wala kaming masasabi, totoo naman po ang sinabi niya, artista siya ng ABS-CBN at sumusunod lang din siya kaya sana huwag na lang siyang i-bash.

“Sana magtulungan na lang lahat ang KN supporters na suportahan natin ang ‘La Luna Sangre’ para kina DJ at Kath naman ito at sa ating lahat,” mahabang paliwanag ni Ms. Agot sa amin.

Jerico Estregan,
nagpakita ng kakisigan
sa Amalanhig

PAGKALIPAS ng mahigit isang taon ay ipalalabas na sa mga sinehan sa Setyembre 20 ang Amalanhig na launching movie ni Jerico Estregan mula sa Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions na idinirehe ni Gorio Vicuna.

Ang ibig sabihin ng Amalanhig ayon sa bidang si Jerico ay, “‘Amalanhig’ is half human-half creature, originally from Visayan mythology and folklore and then from the Panay island. It tends to be vampire because of struggle and depression.”

Tumulong sa editing, visual effects, sequences of events sina Jerico, “we’re not totally satisfied sa una kaya we had to helped out sa paggawa ng pelikula. Sabi nga ng parents ko in doing movie, try to make the best, try to make some quality.”
College student si Jerico kasama ang ilang kaklase na gustong tuklasin kung totoo ang Amalanhig kaya nagpunta sila sa probinsiya na pinagmulan nito.

At dahil maganda ang pangangatawan ng baguhang aktor ay tinanong kung magpapakita siya ng katawan.

“Dito wala akong eksenang naka-topless, but more of my scenes naka-sando pero it’s a fit sando so I think my physique here is maipakikita. At saka when it comes to horror or action films this is one way to show masculinity,” saad ni Jerico.

Guwapo ang ikatlong binata nina rating Laguna Governor ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez kaya tinanong kung may girlfriend na siya dahil edad 26 na siya pero nagulat kami na wala pa at limang taon na ang nakararaan ng huli siyang magkaroon ng relasyon.

“Flings lang,” kaswal nitong sabi.

Huh, pumapatol sa fling ang isang Jerico Estregan?

“It just comes, eh that you get too much from other people. Hindi naman easy to get ang fling, minsan mga fling,” katwiran sa amin.

‘Pag sinabing fling, hanggang saan nakararating ito, ito ba ‘yung one-night stand na tinatawag?

”Hindi naman inaabot ng one-night stand, minsan you can make it two-times or more,” natatawang sagot sa amin.
Dagdag pa, “one month happens one and then after two or three months you see her again on the 4th month. Minsan kasi ang fling hindi mo dine-declare na girlfriend mo siya, wala kasing assurance or no 100% sure na siya ang tipo ng taong proud na proud ka.”

Sa tanong kay Jerico ng katotong Leo Bukas kung gumagamit siya ng safe sex kapag may ka-fling siya.

“Practise sex? (hiyang-hiyang reaksiyon ng binata), it has to be safe talaga! Do I use rubber, it’s not part of the (Amalanhig) ibalik na lang natin sa movie,” balintulot na reaksiyon ng aktor. ”Hindi naman ito FHM (project), eh,” katwiran pa.

Kaya pati daddy ER ni Jerico na nasa kabilang lamesa ay pinaalalahanan ang anak, “be careful of what you’re saying Jerico.”
“Maingat ka dapat kasi ayaw mong magkasakit. Yeah, you don’t want anything wrong to happen, you don’t want to face things that you’re very unprepared for,” biglang seryosong sagot ng binata.

At kaya hindi pa type ni Jerico na magkaroon ng seryosong relasyon sa ngayon.

“Kasi sometimes when you have a girlfriend it’s some sort of commitment, ayoko totally ng natatali, even though ‘yung sinasabi nila na time, you really have to give time talaga. Ayaw ko ng text ng text ng how are you, kumain ka na ba? Okay lang din pero not all the time, ha, ha,” kuwento nito.

Mapagbigay ba si Jerico sa mga babaeng gusto siya?

“Mapagbigay, yes I give them chances to be with me, to know me more in while doing many things, have coffee together, eat together, go to events together (may sumingit ng go to bed together), sa bed? Puwede namang matulog lang naman,” natawa uling sabi ng binata ni gov. ER.

Paano kung ayaw ng humiwalay ang babae at obsessed na? “Basta stay patient, don’t be too attatch, don’t take it personally, don’t take your emotions bring into this because she’s still have to do other things at the same time. Kasi if you put youself down there, baka lang maapektuhan ‘yung iba mong ginagawa, kaya wag na lang,” payo ni Jerico sa mga lalaking nakararanas ng ganito sa flings nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments