PAGBABAGO AT PAGPAPATUPAD NG STUDENT FARE DISCOUNT

0
27


ISANG mahalagang Memorandum Circular ang nilagdaan ng LTFRB Board noong October 11, 2017 na naging effective nitong October 28, 2017. Ito ang MC 2017-024 na amendment sa 2005-014 na nauukol sa Student fare discount.

Ang bagong patakaran ay ito: Students can avail of the 20% discount FROM MONDAY TO SUNDAY INCLUDING SUMMER BREAKS, LEGAL AND SPECIAL LEGAL HOLIDAYS. Post graduate students (those taking up medicine, law, masteral, doctoral degrees and the like) cannot avail of the said fare discount.

Malaking pagbabago ito. Dati ay DURING SCHOOL DAYS lang pwede mag-avail ng student discount. Simula October 28, 2017, kahit anong araw, may pasok o wala, pwede ang student discount.

Ibig-sabihin, sa mga uuwi ng probinsya para sa Undas ay pwede na ang student discount. At ‘pag Sabado o Linggo at mamamasyal ang mga students, okay pa rin. Sa summer naman, nasa bakasyon man o nasa susumer class ang students ay pwede pa rin ang student discount.

Marahil ito ay dahil sa may mga paaralan, lalo na sa college, na may pasok ‘pag Sabado at Linggo. May iba namang school year count, tri-mestral sila kaya pati summer ay may pasok.

May mga nagtatanong kung kailangan pa bang i-present ang school ID para ma-avail ang student discount. Bihira na hanapan pa ng ID. Lalo kapag naka-uniporme naman ang bata. Pero sa mga bus, kapag may duda ang konduktor ay humihingi ng ID lalo na sa mga college at working students.

Ang rason kung bakit nagkaroon ng student discount sa public transportation ay para makatulong ang sektor sa mga magulang sa pag-aaral ng mga anak. Pero kung bakasyon naman at hindi konektado ang biyahe ng mga estudyange sa pag-aaral ay kailangan pa ba ng discount?

Mukhang ganun na nga. Ang polisiya na ang discount ay dahil sa student ka saan ka man magpunta at ano man araw sa buong taon.

Oo nga pala ang student discount ay dapat ibigay ng lahat ng public utility vehicles. Pero paano sa tricycle na mas marami ang sumasakay rito na students?

Kailangan na ring tingnan ito ng mga lokal na pamahalaan upang maging malinaw din sa kanilang mga mananakay. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON

loading…





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments