PACQUIAO NEEDS KNOCKOUT –

0
60


Sinegundahan ni former world champion Juan Manuel Marquez ang nauna nang pahayag ni trainer Freddie Roach na ‘knockout’ lang ang kailangan ni Manny Pacquiao upang makabalik sa pedestal.

“The important thing in this fight is the experience factor, and that’s in favor of Pacquiao, but Pacquiao must look to get the knockout so he can return to the forefront, that he’s still there in the forefront – to convince the people and promoters and the television networks. He will have to convince and knock Horn out,” paliwanag ni Marquez sa panayam ng ESPN Deportes.

Sa Linggo (Manila time) ay idedepensa ng 38-anyos na Fighting Se­nator ang kanyang WBO welterweight crown laban kay 2012 Australian Olympian Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

At hindi rin kumbinsido si Marquez na may kakayahang ma-upset ni Horn si Pacquiao.

Ayon kay Marquez, bago niya na-knockout si Pacquiao sa fourth fight nila, kabisado na niya ang galaw, lakas, istilo nito dahil sa naunang tatlong beses nang paghaharap nila.

Samantalang si Horn ay wala aniyang ideya kung papaanong lalabanan si Pacquiao. Kaya malabong talunin ng Aussie bet ang Pambansang Kamao.

“To knock Pacquiao out, you have to know him. I had 36 rounds with him [before that fourth fight], I already knew what he was doing and that’s why that knockout came at the perfect moment when we wanted it – but beforehand I already knew him and in this case Jeff Horn does not know him, and because of that it will be difficult [to get that king of knockout],” paha­yag ni Marquez.

Naging magkaribal sina Marquez at Pacquiao bunga ng kanilang apat na beses na paghaharap .

At sa lahat ng Mexican boxer na nakalaban ni Pacquiao, si Marquez lang ang nakapagpa­tulog sa kanya.

Bukod dito, bawat paghaharap nilang da­lawa ay dinudumog ng mga fans.

Ang isa pang Mexican na si Erik Morales ay tatlong beses nakasagupa ni Pacquiao, kung saan ay 2-1 (pabor kay Pacquiao) ang win-loss standings nila.

Pero, matapos ang 4th fight at wagi nga si Marquez ng 6th round knockout, hindi na nito ini-entertain ang anumang offer para sa ikalimang pakikipagsuntukan sa Filipino ring icon.

Para kay Marquez ay sapat na ang apat na beses at nakabawi na rin siya. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments