‘Pacquiao, nasa attack mode na’

0
62


ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2017 12:11 AM


Handang handa na si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Jeff Horn sa Australia. Kampante ang Team Pacquiao na mananaig ang bilis at karanasan ni Pacman sa ring. 

Nag-anim na rounds ng sparring si Manny Pacquiao sa Pacman Wild Card Gym sa General Santos City. 

Wala na raw mahihingi pa si Coach Freddie Roach kay Pacman dahil nailabas niya ang power at kombinasyon na nais niyang makita mula sa eight-division world champion.

“Best I’ve seen him in a long time. He was able to bring out the explosiveness, the combinations, etc. Really, really good to go,” ayon kay Coach Freddie Roach. 

Naka-118 rounds na ng sparring si Pacquiao sa training camp para kay Jeff Horn.

Ayon kay Roach, dalawang beses ding pinatumba ni Pacquiao ang Mexican sparring partner, kaya masaya si Roach na nasa ‘attack mode’ na ang boxing champ sa laban nito kay Jeff Horn sa July 2. 

Naging main sparring partner naman ni Pacquiao para sa paghahanda nito kay Horn ang Australian na si George Kombosis.

Di raw makakayanan ni Horn ang lebel ni Pacman sa ibabaw ng ring.

“His speed, his experience, his movement is just way above. I think it will end within 6 (rounds), not more,” ayon kay Kombosis. 

Isandaang porsiyento ang pagtutok ni Pacquiao sa pagpapakundisyon lalo’t naka-break ang Senado. 

Bukod kay Pacquiao, lalaban din sa ‘Battle in Brisbane’ undercard ang pinsan niyang si Jonel Dapidran kaharap ang Australian na si Brent Dames. 

Dedepensahan din ni Jerwin Ancahas ang kanyang world title sa mismong card. 

Bibiyahe na ang Team Pacquiao bukas ng Sabado papuntang Australia.

— Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments