PAANO MAKAHINGI NG LIBRENG CHEMODRUGS MULA SA PCSO?

0
29


UNA sa lahat, ang taos puso kong pagpapasalamat sa ating poong lumikha, sa pagbibigay niya sa akin ng kaligayahan sa piling ng mga taong nagmamahal sa akin at malampasan ang lahat ng pagsubok sa loob ng 27 na taon.

Ang minamahal kong asawa ay dumanas ng hirap sa kanyang karamdaman Nasopharyngeal CA, stage 3 at namatay noong Setyembre 29, 1990. Marami ang naaawa sa akin dahil mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa inyong lingkod dahil maaga ako nabiyuda.

Naging biyuda ang inyong lingkod sa edad 32 at may dalawang anak na lalaki (limang taon ang panganay at tatlong taon naman ang bunso), Ang akala ng inyong lingkod, hindi ko kaya magampanan ang pangarap sa buhay, hindi naging hadlang ang pagiging SINGLE PARENT.

Hindi ako nawalan ng pag-asa, dahil sa sariling pagsisikap at determinado, naabot ko ang aking pangarap na makapaglingkod.

Ang pagmamahal ng anak ang nagsisilbing inspirasyon, “I only got one mother, and she only got one life therefore, I only have one chance do all that I can to please her while the clock still ticks for both of us.”

Nais kong pasalamatan si Ret. Marine General Alexander F. Balutan, operation manager ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO), dalhin sa tiwala at binigyan niya ako ng pagkakataon makapaglingkod sa mga pasyente na nangangailangan ng tulong.

Maraming pasyente ang humihingin ng tulong sa PCSO dahil naubos ang kanilang pera sa pagpapagamot, hindi na makalabas sa ospital dahil hindi na nila kayang ang mga bayarin sa ospital. Naranasan ko rin ang ganitong problema noong nabubuhay pa ang aking asawa, ang naipon naming pera ay naubos sa pagbabayad ng gamot, chemotherapy, radiation at laboratory tests.

Papaano nga ba makatatanggap ng libreng Chemo Drugs sa PCSO?

Kailangang ikumpleto ang mga dokumento bago isu-sumite sa PCSO Lung Center o sa Office ni General Manager, 9 th Floor Sun Plaza Building, 1507 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ihanda at sundin ang mga sumusunod:

 Sumulat ng personal na liham kay PCSO General Manager, Alexander F. Balutan.

 Orihinal na kopya ng medikal abstrak mula sa ospital

 Orihinal na Reseta na mayroong lagda at PTR number ng lisensyadong doktor.

 Paraan o protokol sa paggamot, kalakip ang sukat ng katawan o body surface area

 Kopya ng resulta ng biopsy (Photo Copy)

 Kopya ng ID ng pasyente at pinaka malapit na kamag-anak na mag-aasikaso ng mga dokumento.

Kung may karagdagan katangunan, maaaring magtext sa mga numero bilang; 0915-9225712 (Globe), 0939-8708042 (Smart) at 0923-9346935 (Sun), ito ay direktang matatanggap ni Col. Raymondo A. Liwag, Chief of Staff – OGM, Maaaring rin mag-email sa ogm_pcso@yahoo.com. HILDA ONG





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments