P5B SHABU NASAMSAM SA WAREHOUSE

0
92


Bilyong shabu — Ang bahagi ng tinata­yang 604 kilo ng shabu na nasamsam kamakalawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureu of Customs sa isi­nagawang raid sa isang warehouse sa Valenzuela City na aabot sa street value na P5 bil­yon. Ang nasabing kontrabado ay mula sa Tsina. Inaresto si Fidel Anoche na consignee ng kargamentong bakal na cylinders kung saan isiniksik ang shabu. (Art Son)

Mahigit limang bil­yong pisong halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang ope­rasyon sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Itinimbre umano ng mismong Bureau of Customs ng bansang China kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang nasabing shipment ng ipinagbabawal na gamot. Ang idineklara umano ay mga roller ball na ginagamit sa printing shops, ang cylinder na bakal na nakabalot pa ng makapal na itim na goma ang laman ng shipment.

Ngunit nang buksa­n ito ay nasa mahigit 500 kilo umano ng shabu ang nilalaman nito, na mga agent umano mismo ng Customs ang nakadiskubre. Nakasiksik umano ang mga crystaline subs­tance sa limang mga bakal na kapsula.

Positibo naman sa ini­syal na pagsusuri sa mga ito na mga shabu nga ito na mula pa sa China. Napag-alaman din na sa isang cy­linder ay may nasa 100 kilo ang nakasiksik na high grade na shabu.

Kapag nahaluan na at naibenta na umano ang mga ito ay tinata­yang nasa limang bil­yong piso ang street value nito­. Kasalukuyang nagsasa­gawa ng interogasyon sa may-ari ng warehouse na binabagsakan ng kargamento at maging ang consignee nito.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments