P54M KADA BUWAN, GANYAN ANG NAKAWAN SA BAYAN

0
77


SINASALAULA raw ang P54-milyon kada buwan na maintenance contract sa MRT-3 ng nanalong pipitsuging kumpanya ng PH Trans kaya nagkakawin-dang-windang ang sistema ng pagpapatakbo ng Metro Rail Transit/(MRT).

Sinabi ni Senadora Grace Poe na nakapagtataka kung bakit nanalo ang maintenance contractor na ito ganong halos 2 buwan pa lang daw na nakatayo ito at napakaliit pa ng capital nito noong makopo nito ang kontrata.

Kaya naniniwala si Poe na may nangyaring hokus-pokus sa bidding nong 2010 para maaprubahan ng nakaraang administrasyon sa pamumuno ni dating Trasportation Sec. Jun “Boy Tanggi” Abaya ang kontrata ng PH Trans na magmantine ng sistema sa MRT.

Kaya hayun, ire-repair ngayon, kinabukasan ay sira na naman ang nasabing train dahil walang kaalam-alam sa pagmamantina at pagsasaayos sa mga nangyayaring aberya ang PH Trans. Pero kinuha pa rin nina Abaya ang kompanya kaya hayun, tuloy-tuloy na ang pagkasira ng MRT-3.

Mantakin ninyo, ang kapital lang pala nitong PH Trans ay umaabot lang sa P600,000 pero ang ibinabayad natin kada buwan ay P54M. Aba, napakalaking pagnanakaw ‘yan sa kaban ng bayan ng mga tarantado.

Ang sabi nga ni Sen. Poe, e, kahit Toyota Vios ang bilhin mong sasakyan ay hindi sasapat ang P600,000 na kinapital mo sa pagmamantina mo sa MRT. Pero nakagugulat kung bakit sa halagang ‘yan ay nakuha nito ang kontrata!

Anong mahika mayroon sa nasabing kontrata? Sagutin mo Mr. Jun “Boy Tanggi” Abaya ang mga alingasngas sa panahon mo? Tangna n’yo!

UNTOUCHABLE BOOKIES NI MA’MANG

Minsan pa natin pinatiktikan ang “untouchable” bookies ng Small Town Lottery ng tinaguriang “STL Queen” ng Dasmariñas na si Ma’mang. Patuloy pa rin daw ang operasyon nito sa Brgy. Luzviminda, Dasma, Cavite

Maging si Dasma chief of police Supt. Gil Torralba ay tila nagbubulag-bulagan pa rin (hindi naman bulag). Hindi ko lang alam kung magkano, este, kung papaano ang ginagawa niyang sistema ng panghuhuli.

Magkano ba, este, papaano nga ba hepe?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments