OVERALL CHAMP ANG WRESTLERS –

0
69


Tinanghal na overall champion ang Wrestling Association of the Phi­lippines sa Olympic Day Celebration ng Philippine Olympic Committee, na inorganisa ng Philippine Athletics Track and Field Association at sinuportahan ng Philippine Sports Commission kamakalawa sa PhilSports Complex track oval sa Pasig City.

Dinaig ng WAP ang 20 teams na mga karibal sa isang araw na aktibidad ng International Olympic Committee sa buong mundo tampok ang PSC-POC Media Group na sumali sa lima sa anim na events, Artistics-Gymnastics Asso. of the Phi­lippines, Aerobics-GAP, Phil. Taekwondo Asso., Dance Sports Council of the Phils., University of the Phils., Phil. Lawn Tennis Asso.

Polytechnic University of the Phils., Natinal Sports Asso.-PUP, Phil. Fencing Federation, Phil. Soft Tennis Asso., Phil. Canoe, Cayak and Dragon Boat Fed., Trampoline -GAP, Ski, Arnis Phils., Muay Thai Asso. of the Phils., Phil. Karatedo Fed., Phil. Badminton Asso., Indoor hockey, at POC.

Nakalikom ang Wrestling ng pitong puntos sa Mixed 4×100 relay, 10 points sa Obstacle course, 3 pts. sa 3-pull Tug-O-War, 10 pts. sa Vortex Javelin Throw at 10 pts. sa Mixed medley relay para sa kabuuang 40 pts.

Segunda ang PKF na may total 27 pts. matapos maka-gold medal sa 4×100 mixed (10), pilak sa obstacle course (7) at ginto sa 3-pull Tug-O-War (10), at tersera ang PCKDBF na may 3-10-7-3 pts. sa 4×100 mixed, 3K Team run, Vortex Throw at Mixed Medley relay tungo sa 23 puntos.

Espesyal na sinali ng PATAFA ang PSCPOCMG na binubuo nina Ramil Cruz ng Abante/Abante TONITE, Angelito Oredo ng Bandera, Reuben Terrado ng Spin.ph, Ramon Rafael Bonilla ng Business Mirror, Rio Deluvio ng Manila Bulletin, Judith Caringal at Tina Bulaclac ng Sports Radio 918, at Khay Asuncion at Isabel Reyes ng PTV4 Sports.

Bago ang nasabing event, nagdaos muna ang PATAFA ng Global 3K Running Day kung saan finishers din sina Cruz, Oredo, Bonilla at Deluvio saka nakipagsabayan pa rin sa mga karibal sa lima sa anim na events sa ODC, liban lang sa obstacle. 



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments