OUT OF ORDER: Kapos ang 50 gold medal target sa 29th SEA Games

0
46


Naging target ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) na makakuha ng 50 gintong medalya ang ating mga atleta sa 29th Southeast Asian Games na magtatapos bukas, Agosto 30.

Base sa naging tala ng PSC noong 9:30 pm ng Linggo (Agosto 27), umaabot pa lang sa 22 gold medals, 28 silver at 55 bronze ang nakuha ng mga atletang Pinoy na naglagay sa Pilipinas sa ikaanim na puwesto.

Masuwerte na kung makaabot tayo sa 29 na ginto na siya ring bilang ng mga nakuhang gold me­dals ng Pilipinas noong 2013 SEA Games sa Myanmar at 2015 sa Singapore.

Walang duda na habang lumalaon ay lalong humihina ang ating mga atleta partikular sa mga sports na dati-rati ay nadodomina natin gaya ng Wushu, Taekwondo, Judo at Track and Field.

Maski nga sa basketball ay lumalakas na rin ang mga koponan ng Singapore at Thailand at sa katunayan ay ilang beses naungusan ng mga Thai basketball players ang Gilas Pilipinas sa kanilang naging laban na maliit lang ang ating naging lamang.

Isang ginto lang ang nasungkit ng Pilipinas sa Taekwondo (Men -under 74 kilograms) sa pamamagitan ni Samuel Morrison na tinambakan sa puntos ang kalaban na Indonesian sa score na 28-18.

Ito ay matapos matalo sa kanyang laban (under 68 kilograms) si Arven Alcantara sa Malaysian na si Rozaimi bin Rozali sa isang kontrobersyal na desisyon ng head judge na nagkamali sa pagbasa ng dami ng penalties ni Alcantara na siyam lang dapat at hindi 10.

Ginto na sana ang makukuha ni Alcantara pero naging pilak pa.

Natupad naman ng Philippine Judo Federation ang prediksyon nitong makakadalawang ginto ang Filipino judoka sa pamamagitan ng defending champion sa women’s under 63 kilograms na si Kiyomi Watanabe at Maria Takahashi.

Pinakamalaking panalo ang naitala ng 16-anyos na si Takahashi dahil tinalo nito ang Thai judoka na si Surattana Thongsri na four-time champion sa women’s under 70 kilograms.

Nakaisang puntos na si Thongsri nang ma-pin down siya ni Takahashi para sa ippon sa loob ng isang minuto sa kanilang laban.

Davaoeño ang ina ni Takahashi na isang high school senior sa Shukugawa Gakuin High School sa Kobe, Japan. Nag-iisang anak lang si Takahashi ng kanyang Pilipinang ina at amang Hapon.

Nakasungkit naman ng bronze ang Pinay judoka na si Sydney Sy sa women’s under 78 kilograms nang talunin niya ang Thai judoka na si Chattayaporn Prawiset.

Pilipinas ang host country ng 30th SEA Games sa 2019 at inaasahang muling mangunguna ang mga altering Pinoy sa ginseng medalya gaya ng nangyari noong 2005 kung saan huling ginanap ang SEA Games sa ating bansa.

Pero kung pagbabasehan ang naging performance ng mga atletang Pinoy sa Myanmar (2013), Singapore (2015) at nga­yong taon sa Kuala Lumpur, Malaysia, kailangan ng matinding overhaul ng Philippine sports mula sa mga opisyal hanggang sa mga atleta.

Malaking hamon para kay PSC Chairman Butch Ramirez na mapantayan ang naging performance ng ating mga atleta noong 2005 na nasaksihan mismo ng milyun-milyon nating mga kababayan.

Panahon na rin siguro para balasahin ang Philippine Olympic Committee at mapalitan ang liderato ng mga batang opisyal na may malinaw na vision at programa para sa pag-unlad ng Philippine sports. Sana nga.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments