OUT OF ORDER: Bagong taktika sa pagsusulong ng National ID System

0
65


Kakaibang taktika ang ginagamit ngayon ng administrasyon ni ­Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsusulong na kagyat na maisabatas ang panukalang National Identification System sa Kongreso.

Sa halip na Department of ­National Defense at Department of Interior and Local Government, ang Department of Finance ang pangunahing ahensya na nangangampanya para maging ganap na batas ang pagkakaroon ng isang National ID ng lahat ng Pilipino.

Mahusay at detalyado ang ­ginawang presentasyon ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua sa pagdinig na ginawa ng mababang kapulungan noong nakaraang linggo.

Nakapokus sa mga benepisyong makukuha ng mga mahihirap na pamil­yang Pilipino ang argumento ng DOF official sa ilalim ng ­National ID System.

“Once the Congress enacts a law enabling a national ID system, the first to be issued such cards will be senior citizens and persons with disabilities, followed by members of the 5.2 million poorest households in the country not yet covered by the ongoing conditional cash transfer initiative of the Department of Social Welfare and Development known as the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps),” paliwanag ni Usec. Chua sa isang prepared statement.

Sa ilalim ng panukala ng DOF, ang Philippine Statistics ­Authority (PSA) ang siyang mag-iisyu ng mga ID cards ­samantalang ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang may oversight function para tiyakin na walang mga paglabag sa privacy ng mamamayan lang magaganap.

Ang DSWD naman ang siyang tatayong coordinating agency­ ng lahat ng mga social benefit programs sa ilalim ng Tax ­Reform Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) na kilala rin sa tawag na House Bill No. 5636.

Bilang kauna-unahang tax reform package ng administras­yong Duterte, layunin ng TRAIN na ibaba ang personal ­income tax rates na magbebenepisyo sa maraming mga ordinaryong empleyado.

Paliwanag pa ni Usec. Chua: “The DOF proposal is for the national ID to contain biometrics data about an individual, with the possibility of adding an EMV [Europay-Mastercard-Visa] chip card to load the cash subsidies for persons legally entitled to such benefits.

The ID will also contain information to determine if a person can take advantage of discounts in medicines, commuting, health care, education, and other applicable benefits under the law and as specified under TRAIN.”

Papalitan ng National ID ang lahat ng mga government-­issued ID cards maliban na lang sa mga pasaporte at drivers’ license. Planong maisyu ang national ID cards sa 105 milyong Pilipino dalawang taon matapos maging ganap na batas ang National ID System.

Gagamitin din ang national ID cards para sa unconditional cash transfer (UCT) program kung saan target na mapabilang dito ang 10 milyong households na tatanggap ng P2,400 kada buwan sa loob ng isang taon.

Bubuhayin din ng gobyerno ang Pantawid Pasada Program na magbibigay ng cash cards sa mga rehistradong driver ng mga jeepney na may lehitimong prangkisa at ito ay magkakahalaga­ ng P2,200 kada buwan o P26,400 kada taon. Ito ay bilang ­tulong sa napipintong pagtaas ng krudo sa ilalim ng TRAIN.

Tama lang na magkaroon ng National ID System dahil ­mapapadali nito ang pagkakaroon ng listahan ng mga Pilipino­ na karapat-dapat na tumanggap ng mga cash subsidies ­mula sa gobyerno.

Mas mahalaga rito, makakatulong ang National ID System sa pagkakaroon ng malinis na halalan dahil matitiyak na ng Commission on Elections na wala nang mga patay na makaka­boto at tanging may mga national ID cards na may sapat na ­gulang ang kabilang sa listahan ng mga botante.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments