‘Our family is not normal’ – Regine | Tempo

0
55


SIX years nang married sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid at five years old na ang anak nilang si Nate. Ani Regine, kung susumahin ang relasyon nila ni Ogie pati ang BF-GF na relasyon nila, 14 years na sila together.

“Ang sarap ng may asawa. Enjoy! Ang sarap ng feeling na pag-uwi mo ng bahay, may mapaglalambingan kang asawa. Pareho kaming sweet ni Ogie. Minsan, nagsusungitan kami, pero comedy,” lahad ni Regine sa mga entertainment writer na dumalaw sa taping ng “Mulawin vs. Ravena.”

Pero aniya, hindi nila ipinapakita kay Nate kapag may pinagtatalunan sila. Kapag nagagalit daw si Ogie na bihira namang mangyari, nag-i-english ito.

Marami ang nagugulat at nagtataka sa set-up nila na okey sila ni Michelle Van Eiemeren (Ogie’s ex-wife). Ani Regine, hindi nga normal ang set-up ng pamilya nila. “Ogie and I worked hard for it. Michelle has a very forgiving heart.

Wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan at sa taimtim na dasal,” ani Regine.

“We worked hard on it (relationship). We need to talk. Kung sino ang may kasalanan, humingi ng tawad. Hindi pwedeng pairalin ang pride,” dagdag pa ni Regine na hindi sinabi kung sino ang may kasalanan at sino ang humingi ng tawad.

Sa “Mulawin vs. Ravena,” she plays Sandawa, Reyna ng Kalikasan. Magkatrabaho sila ng ex-boyfriend niyang si Ariel Rivera who plays Panabon. “It’s great, nice working with Ariel. Twelve years ago, nagkasama kami sa ‘Forever’ and two years ago, sa isang Christmas special.

“Pangit ‘yung ang dami mong karga. Mabigat sa dibdib. Feeling mo, parang parating may sumusunod sa likuran mo. You’ll never be happy kapag may sama ng loob,” paliwanag ni Regine.

Now, pareho na silang happily married ni Ariel sa kanilang respective spouses. Si Ariel kay Gelli de Belen with whom he has two sons. Regine has Ogie Alcasid.

<-count href="http://tempo.com.ph/2017/07/19/our-family-is-not-normal-regine/">



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments