OPERATOR NG ILIGAL NA SUGALAN SA REGION 1 PROTEKTADO NG PNP

0
45


NOONG Lunes ng hapon ay isang tawag sa telepono ang aking natanggap mula sa isang lalaki na nagpakilalang “Ibasan” ng Pangasinan, at sa aming pag-uusap ay inamin niya na hindi kayang tibagin ang kanilang operation dahil hawak nila ang local media at PNP.

Sa pag-iimbestiga ng Lily’s Files, ating napag-alaman na ang mga Ibasan ang siyang pinakamalaking operator ng Dropball at Color game sa malaking peryahan na nakatanim sa iba’t ibang lugar sa Pangasinan.

Ayon sa ating impormante, mistulang carnaval ang mga peryahan o pergalan ng mga Ibasan sa buong lalawigan ng Pangasinan, at wala raw nangangahas na tibagin ito dahil protektado ng PNP at hindi rin daw ito mabanatan ng mga local media dahil hawak din nila ang mga ito.

Sinasabing halos lahat ng malalaking bayan sa Pangasinan ay may mga pergalan na pag-aari ng pamilya Ibasan, pero bakit itinatanggi ng DILG ang nasabing aligasyon?

Anong mayroon at ano ang cash-unduan ng pamilya Ibasan sa mga taga DILG?

Dahil ba protektado ito ng PNP-Region 1?

Ayon pa rin sa ating impormante, mga maliliit lang na operator ng peryahan o pergalan ang kayang ipatigil o kayang pagbawalan ng PNP dahil maliit lang daw ang intielihensiya nito, pero ‘yung mga malalaking peryahan na pagaari ng pamilya Ibasan ay hindi nila ginagalaw.

Napag-alaman na ang peryahan na front lang ng mga iligal na pasugalan ay matagal nang negosyo ng mga Ibasan hanggang sa ito ay maging family business na nila ngayon.

Samantala, isang nagpakilala ring “Ibasan” ang tumawag sa photographer ng Remate na si Val Leonardo.

Sa kanilang pag-uusap ay galit na galit itong si alyas Ibasan hanggang sa pagbantaan na niya ang photographer na si Leonardo.

“Si ibasan ‘to! Ano ba problema mo? Mas malaki pa nga ang ibinibigay ko sa iyo kaysa kay hepe, ayaw mo pa. Ano ba gusto mo? Gusto mo ipatumba kita? Sige, hintayin mo pu…. I.. m. Maghintay ka, ipatutumba kita,” ang mga katagang binitiwan ng nagpakilalang Ibasan kay Leonardo na nakuha pang i-record ang kanilang napag-usapan. LILY’S FILES/LILY REYES

loading…



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments