OPERASYON SA PAGTATANGGAL NG ILLEGAL FISH PENS, NAUDLOT!

0
22


NAGPAKITA ng lungkot ang kasalukuyang Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager, Jaime C. Medina matapos hindi maipatupad ang polisiya ng gobyernong tanggalin ang mga iligal na fish pens sa lawa ng Laguna, matapos pagtibayin ng Court of Appeals (CA) ang isang Malabon court’s ruling na nagbabawal sa LLDA na tanggaling ang mga ito sa “Cataquiz Belt.”

Matapos marebisa ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) Twelfth Division na ipinalabas noong ika-13 ng Mayo, 2014 sa pamamagitan ng Regional Trial Court Branch 170 sa siyudad ng Malabon, pinahihintulutan ang operasyon ng 22 korporasyon na gumagamit ng iligal na fish pen sa isang lugar na may lawak na 977.27 ektarya, at 169.16 ektarya para sa 34 na indibidwal sa lawa ng Laguna.

Matapos malaman ng LLDA Board na ang mga notices at award ay naibigay ng walang anomang public bidding at board approval, nagpalabas sila ng ang resolusyon bilang 499 noong ika-23 ng Agosto, 2013. Ito ay nagsasaad na ang nasabing operasyon ay kinakailangan lamang magtatagal hanggang Hunyo 30, 2014.  Kasama rin sa resolusyon ang pagtatanggal ng mga fish pen na nasa labas ng aprubadong Zoning Management Plan (ZOMAP).

Gayunpaman, ika-4 ng Abril, 2014 nagsumite ang mga fishpen operators na nabibilang sa Association of Laguna Lake Fish Producers and Fisherfolks, Inc. ng Petition for Declaratory Relief with Prayer for Preliminary Injunction sa Regional Trial Court Brach 170, lungsod ng Malabon.

Ika-13 ng Mayo, 2014, nagpalabas si Presiding Judge Zaldy B. Docena ng isang writ of preliminary injunction na nagbabawal sa LLDA na alisin, gibain o bawalan ang operasyon ng mga naturang fis pens at cages.

Matapos ito, nagsumite ng suplemetal na mosyon ang LLDA upang bigyang-diin ang Section 10- Rules of Procedure for Environmental Cases, na nagsasabing walang korter ang maaring magpalabas ng TRO o writ of preliminary injunction against lawful actions of government agencies that enforce environmental laws or prevent violations. Subalit ibinasura rin ito ni Judge Docena noong  ika-29 ng Disyembre, 2014.

Dahil sa pagpapalabas ng assailed writ, nagsumite ang LLDA ng Petition for Certiorari with Prayer for Issuance of Temporary Restraining Order and/or Writ of Preliminary Injunction sa CA laban kay Docena Abril, 2015.

Samantala, pinahihintulutan ng kasalukuyang administrasyon na makapangisda ang lahat ng maliit na mangingisda sa lugar. HILDA ONG





All Credit Goes There : Source link

Comments

comments