OH LABAN KA?!: “YOU DESERVE MY LOVE!”- JOSHUA

0
96


Nagpaulan ng kilig at sobrang cheesy ang photo ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account.

Hindi ito larawan ng aktres o kahit na anong may kinalaman sa pelikula o pamilya, kundi isang photo shot ng isang handwritten letter na punung-puno ng mga kilig words.

Nasa ospital si Julia nung mga sanda­ling iyon at isang tao ang nagpadala sa kanya ng nasabing liham na matatawag na ‘love letter’.

“I request you to spare the bacteria and stop attracting them to your beautiful body. (Your place is not in the hospital, it is in my heart.

Your company isn’t meant for nurses, it is for my soul. You don’t deserve taking doses of medicine, you deserve my love… get well soon.

“PS. Nakuha ko ‘yung sinabi ko sa Google. Pero yun talaga ang nararamdaman ko.”

Nagtanungan ang mga fans kung sino ang nagbigay ng letter na `yon kay Julia. Pero kung isu-zoom in mabuti, parang “Baby” ang sinulat. At ‘yung name ng nagpadala ay parang may initial na “J”.

Sobrang natuwa si Julia sa mensaheng ito, kaya ang naging caption niya ay…
“You sure do know how to make a sick girl’s bad day a good one.”

Agad ngang nag-react ang mga followers ni Julia, pati na sina Iza Calzado at Janella Salvador, na umaming kinilig talaga.

@izacalzado: “Ano tooooo!! I’m kilig!”
@superjanella: “Cuuuuute.”

Sabi nga ay kay Joshua galing ang liham.
@leonyymarizz: “Omg, nagi-english na talaga si Joshuaaaa!”
@aymieeeeee: “baby J???”

@nicolemangco: “I can’t breathe my Joshlia heart!.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging malapit sa isa’t isa ngayon nina Julia at Joshua. May isang post si Julia na magkahawak kamay sila ni Joshua at kumanta.

“I’m glad to have shared this moment with you,” sabi pa ni Julia.

SUNSHINE, LUTANG SA LIGAYA SA PAG-IBIG NI MACKY!

Siguradong lumulutang sa kaligayahan ang puso ni Sunshine Cruz ngayong tila natagpuan na niya ang lalakeng pinapangarap niya.

Ilang beses na ngang nagpahayag ng kanyang pag-ibig si Macky Mathay para kay Sunshine sa Instagram account nito, pero ang latest na pos­ting nito ng larawan ng Wildflower actress habang nag-uusap sila ay masasabing haling na ha­ling sa pag-ibig niya sa kasintahan ang nasabing half-brother ni Ara Mina.

Wagas kung ipangalandakan ni Macky ang mga katangian ni Sunshine bilang ina sa kanyang tatlong anak at kung gaano niya hina­hangaan ito. Kahit sinong babae sa sitwasyon ni Sunshine ay aapaw sa galak ang puso lalo at para siyang inilalagay sa pedestal ng lalakeng nagmamahal sa kanya.

“Missing you my Sunshine (know that I am very proud of you. You have been working 3 days straight almost 24hours a day, have a show tomorrow in province and still a very hands on mom to your three princesses. You are one in a million. Who comes once in a lifetime,” sabi ni Macky.

Anyway, base sa mga posts ni Sunshine ng mga photos nila ni Macky, ramdam na masaya rin talaga ang aktres.



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments