OH LABAN KA?!: YENG, TODO-PASEKSI SA PALAWAN!

0
102


Ang dating mahiyain na singer na si Yeng Constantino ay sumawsaw na rin sa sexy bandwagon.

Nagulat ang mga followers, fans ni Yeng sa pagbuyangyang niya ng kanyang alindog sa bakasyon niya sa Pa­lawan, kasama ang kanyang asawa.

Life oh life oh life oh life… dooo dooo dooo dooo dooo.. 🎶🎶 #yengyantravels #ElNido #Pangulasian @elnidoresorts

A post shared by Yeng Constantino (@yengconstantino) on May 26, 2017 at 10:16pm PDT

//platform.instagram.com/en_US/embeds.js

Makikita sa post ni Yeng na naka-bathing suit siya sa gilid ng pool. Profile ang shot sa suot niyang itim na swimsuit pero napaka-seksing lumabas ng larawan lalo at litaw na litaw ang pigi at balakang ng singer sa mataas na cut ng suot niya.

“Life oh life oh life oh life, doooo dooo dooo dooo #yengtravels #ElNido #Pangulasian #elnidoresorts,” sabi ni Yeng.

Parang si Vilma Santos nung kabataan niya si Yeng, sa porma at hubog ng katawan nito.

Ganito ang tabas ng katawan ni Vilma noon na ang kaibahan nga lang ay mas malaki ng konti ang kay Ate Vi.

Inulan ng tukso si Yeng ng mga kasamahan niyang biriteras ng ASAP dahil sa kaseksihan niya.

@kztandingan: “Naaaaaks pa-FHM @kylaalvarez @loveangelinequinto, handang-handa na po siya mga kaibigan.”

@kylaalvarez: “@kztandingan @loveangelinequinto @yengconstantino puwedeng-puwede naman.”

Gulat ang mga fans ni Yeng at sinasabing first time lang nilang nakitang nag-bathing suit sa socmed ang idol nila.

Sa totoo lang, ito nga ang kauna-unahang pagkakataong naglabas ng kanyang alindog sa publiko ang mahiyaing singer.

The post OH LABAN KA?!: YENG, TODO-PASEKSI SA PALAWAN! appeared first on .



All Credit Goes There : Source link

Comments

comments